Isang Dakot… by: Glenda Ramos

Isang Dakot… by: Glenda Ramos

S

a mundong ating ginagalawan ay maraming mga bagay ang hindi natin napagtutuunan ng pansin marahil ay sa mga kadahilanang nalulong na tayo sa pagiging makasarili at makamundo. Maraming kasaysayan sa likod ng tabing . Bakit hindi mo subukang silipin? Maaaring isa ka sa mga nakalarawan dito. Tunghayan mo ang kasaysayang ito.    Magarang kotse, kasuotan, marangyang pamumuhay, disente at prominenteng pamilya sa lipunan. Ito ang mundong kinagisnan ni Angela. Kaisa-isang anak ng mag-asawang Don Ferrer at Donya Zenaida. Dahil ditto ay sunod ang lahat ng layaw ng dalaga. Ngunit siya ay natatangi sa iba sapgkat siya ay mabait, mapagpakumbaba, matulungin, maunawain at mapagmahal. Kaya nga mahal na mahal siya ng mga magulang at gayundin ng lahat ng mga taong malapit sa kanya. Hindi niya inaasahang isang bagay ang darating sa buhay niya na siyang makakapagpabago ng takbo nito.    Pag-ibig. Ito ang siyang naging dahilan ng bagay na hindi niya inaasahan.    Si Raymund. Larawan ng lupa, kabaliktaran ng lahat niyang kinagisnan o sa madaling sabi ay isang maralita. Maralitang may bukal na puso at pag-ibig na wagas.     Nagmahalan silang dalawa lingid sa kaalaman ng mga magulang ni Angela ngunit, walang lihim na hindi nabubunyag.     Simula’t sapol tutol ang mga magulang niya kay Raymund sapagkat mahirap lamang ito at makasisira sa pangalan ng kanilang pamilya. Ngunit sa kabila nito ay patuloy pa rin ang kanilang relasyon at pag-iibigan. Hindi nila ito isinuko.    Totoong ang pag-ibig ay marunong magparaya at magpakumbaba. Dahil sa mahal nila ang isa’t-isa ay ipinaglaban nila ito. Sumama si Angela kay Raymund kahit na alam niyang ang kapalit nito ay ang pagkawala ng lahat ng karangyaang kinagisnan niya.    Lumayo sila sa pook na yaon at ngayon ay maligaya na silang namumuhay ng simple at tahimik sa isang baryo , malayong malayo sa lugar na kanyang kinamulatan.    Drayber si Raymund sa isang kompanya samantalang si Angela naman ay nasa bahay lamang upang asikasuhin ito. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng tatlong supling. Ang panganay ay si James ay limang taong gulang, ang pangalawa ay si Nory tatlong taon a ang bunso nilang si Jun-jun ay isang taong  gulang. Sa pag-aakala ni Angela ay tapos na ang unos ng buhay niya ngunit hindi niya inaasahang may mas malakas pa palang unos ang parating sa kanya.    Alas dose na ng gabi ngunit hindi pa natutulog si Angela. Kinakabahan na siya dahil hindi pa nakakauwi ng bahay ang asawa niya. Maya-maya ay may kumatok sa may pintuan. Dali-dali niya itong binuksan sa pag-aakalang ito na ang kanyang hinihintay. Ngunit parang tinakpan siya ng langit ng marinig ang mga katagang sinasambit ng taong kaharap niya. “Misis huwag po
sana kayong mabibigla ngunit namatay ho ang inyong asawa, napagtripan ng mga adik sa kanto.” Iyon lamang ang kanyang narinig ng paulit-ulit at palakas ng palakas wala na siyang alam kung ano pa ang sumunod na mga pangyayari.
    Wala na ngayon ang taong minamahal niyang buong puso at pinagkalooban niya ng kanyang buhay. Masakit mang tanggapin ngunit wala na siyang magagawa wala na ang kanyang asawa. At naiwan sa kanya ang tatlong supling na bunga ng pagmamahalan nila. Paano na ito ngayon hindi niya alam ang gagawin. Mahirap lamang sila at kakaunti lamang ang naimpok nilangpera. Wala siyang magawa kundi ang umiyakparang natatanaw na niya ang maaaring mangyari sa kanila sa kanyang mga anak. Naisip niyang saying lang ang pagluha at kailangang magpakatatag siya para sa mga anak nila. Nailibing si Raymund sa tulong ng kanilang mga kapitbahay. Dahil nasa baryo sila ay malayo ang agwat ng mgakabahayan. Halos lahat rin ng tao rito ay mahihirap. Minsan naisip niyang bumalik sa mansion ngunit wala siyang magawa dahil nanaig ang hiya niya ito ang pinasukan niyang gusot kaya’t kailangang malampasan niya. Ngunit ang tanong kaya nga ba niya at hanggang kelan nga ba?    Dito na nag-umpisa ang kalbaryo ng buhay niya. Naubos na ang perang naipon nila. Maliliit pa ang mga bata. Kaya kung minsan ay hindi niya matiis na tumulo ang luha habang kaharap ang mga anak na kumakain ng lugaw galing sa kinikita niya sa paglalabada. Nagbago na ang anyo niya ngayon.Naglaho na ang kagandahang dating taglay niya, ito ay napalitan na ng nangangayayat na katawan at lubog na mga mata. Kung minsan ay gusto na niyang sumuko ngunit dahil sa kanyang mga anak ay pinipilit niyang magpakatatag. Hindi naglaon at nagkasakit siya. Hindi na niya alam ang gagawin. Ayaw nang magpalabada sa kanya ng mga kapitbahay sapagkat natatakot sila na mahawa sa kanya. Dumating ang pagkakataong kinakailangan na talaga niyang maghanap ng ibang trabaho. Ngunit sino pa ba ang tatanggap sa kanya. Hirap na hirap na talaga siya.Isang araw ay napagpasyahan niyang pumunta sa bayan. Mangingilinos siya. Bahala na kung ano ang mangyari basta’t makahanap lang siya ng makakain ng mga bata. Ito na lamang ang tanging paraan na naisip niya. Pagdating niya sa bayan ay inumpisahan na niya ang pakikilimos ngunit bawat taong makasalubong niya ay parang walang nakita. Iyak na siya ng iyak. Wala talaga siyang may nakuha at nahingan. Napadaan siya sa may bigasan at dahil sa sobrang gutom ay napadampot siya ng isang dakot ng bigas. Naisubo niya iyon. Nang Makita siya ng tendera ay agad nitong hinila ang nangangayayat niyang braso habang sinasabing ipapakulong siya nito dahil isa siyang magnanakaw. Nagmakaawa siya ngunit walang pakundangang pinaghihila siya ng babae. Ang mga tao ay nakatitig lamang sa kanila. Maya-maya ay huminto sila sa harap ng isang maliit na opisina. May tinawag ang babae at mayamaya ay lumabas ang isang pulis. Patuloy sa pag-iiyak si Angela at pagmamakaawang pauwiin na lamang siya sapagkat may mga anak siyang naghihintay sa kanila at hindi niya sinasadya ang pangyayari. Nasabi na niya ang lahat ngunit matigas ang puso ng babae at gayundin ng pulis na asawa pala nito. Dinala siya sa presinto at iniluklok sa loob ng selda. Nagsisisigaw siya dahil naaalala niya ang mga bata. Hindi iyon maaaring makalabas sa bahay nila sapagkat isinara niya ito bago siya umalis at higit sa lahat ay wala siyang pagkaing naiwan sa kanila.Halos maubusan na siya ng boses sa kasisigaw. Maya-maya ay lumapit sa kanya ang isang pulis. Binigyan siya ng tubig. “Sir maawa na po kayo sa akin at sa mga anak konagsasabi po ako ng totoo. Kahit nap o samahan nyo pa ako sa amin ang mga anak ko  po baka kung napaano na po sila.”Tinanong siya ng pulis kung ano nga ba ang nangyari. Sinabi niya ang lahat kaya’t naantig ang puso nito. Ika limang araw na ito ng pamamalagi niya sa bilangguan.    Kinaumagahan ay inihanda na ng pulis ang sasakyang gagamitin nila at sinundo siya nito sa loob ng selda. Halos mapatalon siya sa tuwa. Hindi pa nakakarating sa bahay nila ang sasakyan ay parang gusto na niyang bumaba at tumakbo. Nais na niyang mayakap ang mga anak niya. Nang makarating na ay dali-dali siyang tumakbo at pumasok sa loob ng bahay napasunod naman ang mamang pulis. Tawag siya ng tawag sa mga anak ngunit pagbukas niya ng pintuan ay parang tinakpan siya ng langit sa nakitang sitwasyon ng bahay nila. Ang kanyang mga munting anghel heto na ngayon. Niyakap niya ito ngunit wala nang buhay. Ang panganay niya ay nakahawak pa sa kaldero, ang ikalawa naman ay nasa ilalim ng mesa at ang bunso ay nasa bunganga ang mga daliri. Ngunit wala na…wala na silang buhay. Halos magiba ang buong bahay sa kasisigaw niya. Nawawala na siya sa kanyang sarili. Gusto na rin niyang mamatay . ang mamang pulis naman ay napahagulgol din sa iyak  dahil sa kanyang nasaksihan. Ang kainosentehan ng babaeng kanyang tinulungan.Mabilis na nagtatakbo ang mamang pulis pabalik sa sasakyan at sinugod niya ang mag-asawang nagpakulong kay Angela.kung halos pa lamang ay gusto na rin niyang patayin ang dalawa. Labis labis nag alit ang naramdaman niya. Nasuntok niya ang asawang pulis ng babae.Pagkalipas ng ilang buwan ay nasampahan ng kaso ang dalawa. Nasentensyahan sila ng habangbuhay na pagkabilanggo. Si Angela naman ay kinuha ng muli ng kanyang mama at papa. Matagal na pala nila itong hinahanap. Ngunit iba na siya ngayon, hindi na siya ang dating Angela. Lagi siyang tulala, kung minsan ay tumatawa ng mag-isa at ayaw makipag-usap sa kahit kanino man.labis-labis ang pagsisising nadama ng mag-asawang Don Ferrer at Donya Zenaida. Ngunit ano man ang gawin nila ay hindi na nila maibabalik ang panahon.  
Sana ngayonay kapiling pa nila ang inosenteng mga anghel na pinagkaitan ng tadhana. Dahil sa pananaig ng langit sa lupa , dahil sa agwat nila ang lahat ng mga pangyayaring ito ay naganap. Nais ko na ngayong muling takpan ang tabing nawa’y may napulot kayong aral sa kuwentong ito na sana’y magsilbing gabay ninyo sa pagtahak ninyo ng buhay huwag ninyong kalilimutang ang lahat ng bagay ay may sanhi at may bunga.
 

WAKAS 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s