Kawawa…

Kawawa…

Kawawa naman ako…hayyy naku magtatagalog na muna ako sa ngayon. Paano ba naman kasi, ang ibang mga tao diyan. Ewan ko ba kung anu-anong mga bagay ang pumapasok sa mga utak.

Kawawa naman ako kasi lagi nalang akong nagiging biktima ng mga maling akala. Deceiving lang siguro ang attitude at character ko paminsan-minsan. Hayyy, buhay nga naman. Pero nakakatuwa. Kasi, natutuwa ako sa kanila. Aba hamakin mo ba namang, pagbintangan akong may gusto sa isang tao.

Siguro nga sa panahon ngayon masama na talaga ang makipagkaibigan sa opposite sex. Kasi makailang beses na yatang nangyayari sa akin ang sitwasyong ito. Parang minsan nakakatuwa na medyo nakakainis din. Bakit kaya ganun na lang palagi ang naiisip ng mga tao. Na sa tuwing nakikipagmalapitan ka sa ka opposite sex mo at nagiging close kayo. May gusto ka na kaagad sa taong iyon. Sa totoo lang hindi pa talaga ako nagkaka love life at malay ko ba naman sa bagay na iyan. Ang gusto ko lang kasi magkaroon ako ng maraming kaibigan. Iyon bang walang malisyahan. Gusto ko lang marami akong kakulitan, katawanan, kakampi, kaparte ng buhay. Kasi para sa akin friends are people I would really treasure for a lifetime. At ‘pag tinanong mo ako tungkol sa lovelife. Gusto kong ulit-ulitin ang walang kamatayang linya ni Rico Yan “Love?…It’s just like saying goodbye to your greatest goals in life. And saying hello! to your worst nightmare!” I do really agree on this. Nakakapagod na kasi minsan. Napapagod na akong pagmasdan ang mga nangyayari sa aking paligid. Napapagod na ako sa kapaparinig, sa battered wife, martyr na mga asawa, broken family, break-ups, broken relationships, at kung anu-ano pang mga negatives. Hayy naku, I think it’s still possible pa rin naman na maging happy ka even without that love thing or without having a Boyfriend or girlfriend.

Ang hindi ko lang naman kasi maintindihan ay kung bakit laging nababahiran ng malisya ang hangarin kong makipagkaibigan. Hindi ko alam kung bakit lagi na lamang akong nabibiktima nito. Kung bakit laging ang mga tao ring ito ay laging nadadala at naniniwala na may gusto ako sa kanila. Mabuti nalang sana kung hindi. Nakakapagod talaga. At nakakapanghinayang. Kasi kung alam lang sana nila kung gaano ko pinahahalagahan ang kahulugang “kaibigan”. Sana naman maisip nila ito.

Hind naman sa masyado akong nagpapaapekto sa isyu. Kaya lang parang torture kasi sa akin ang mga ganitong bagay. Pakiramdam ko ay nawawala ang aking kalayaan. Parang sumisikip ang buong paligid. Sana naman… matapos na ang lahat ng ito.Ayoko na talaga kasi makinig, gusto ko na minsang umiyak. Ayoko kasi na may nag ti tease sa akin. At ang always na big issue ay: “AKO PA ANG MAY CRUSH AT GUSTO” naku naman. Ayoko ko na talaga. Siguro nga mananahimik nalang ako, huwag nalang kaya akong makipag-kaibigan, huwag nalang akong mamansin, sumimangot na lang ako lagi, huwag na lamang akong ngumiti, wala na akong ibang iisipin kundi, trabaho,trabaho at trabaho. Pamilya at trabaho..wala ng iba para magwakas na ang lahat ng ito. Hindi ko talaga masikmura…na pagsabihan ako na ako pa ang may gusto sa isang tao…sobrang gusto ko talagang magalit kung pwede nga lang…

Kaya ko ang lahat ng ito sana nga ay lumipas na to…

7 thoughts on “Kawawa…

  1. Alam mo kung ano friend? Imbes na mainis ka eh sumakay ka na lng… Eh ano ba kung tinutukso ka nila? Eh ano ba kung akalain nilang ikaw ang may gusto? Eh opinyon naman nila yun di ba?

    At saka kung purely pakikipagkaibigan lng naman ang gusto mo eh linawin mo… hehehehe..

    Hey, you want to exchange links? Visit my blog http://donnasonlyhope.com

  2. Thanks,

    Ok lang yun, ganon na rin nga lang ang ginagawa ko sa ngayon…Hehehe, ganun na rin naman talaga siguro ang mga tao…

    I’m trying my best naman para maging clear sa kanila ang intention ko…Hmmnn at least napapasaya ko sila sa tuwing tinutukso nila ako…hayyy buhay…ok na rin naman ako siguro nga lang medyo nabigla lang ako sa isyu kaya naisulat ko ang blog na to…
    Thanks talaga..I like your blog…

  3. alam mo naniwawala ako na d bibigyang kahulugan ng ibang tao ang pakikipagkaibigan mo kung wala silang nakikitang mali. You see, action speaks louder than words. If you don’t want anybody to give malice to your actions, please be more refine when dealing with male friends. I have also lots of male friends but it never happen that people might think I’m inlove or have crush with them. Babae ka, so act like one.🙂

  4. hello Concern,

    Thanks sa advice ha, pero alam mo yun naman kasi ang ginagawa ko eh…Maybe paminsan-minsan namimis interpret lang nila ang mga actions ko. Kasi bawat isa naman sa atin ay may kanya-kanyang mga qualities. Hindi naman ako yung tipo ng babaeng perfect. At siyempre I’m trying my best naman na maging “refine”. Well sa kanila na siguro yun kung may nakikita silang mali or kung mali ang pagkaka interpret nila. Basta ang mahalaga nagiging totoo ako sa kanila. Yung ako talaga ang nakikita nila. May mga tao kasi na caring at loving at siyempre mahirap nang maialis yun sa’yo kasi innate qulity mo na siya. Hmnnn sa pag aact like a girl. Wala kasi akong standards diyan…basta ang alam ko lang maging totoo sa self ko..so kung ano man yung nakikita nilang inaact ko ako talaga yun…Siguro kasi magkaiba naman ang case mo at case ko pagdating sa friendship…Anyway thanks again…

  5. Yung ibang tao, hindi mag-iisip ng kung anu ano kung walang nakikita na kung anu ano sa ginagawa mo. Kung pakiramdam mo biktima ka ng maling akala at alam mo naman ang dahilan “Deceiving lang siguro ang attitude at character ko”, ba’t di mo itama yung attitude mo.

    “Siguro nga sa panahon ngayon masama na talaga ang makipagkaibigan sa opposite sex” – who the hell gave you this stupid idea? Kung totoong plane friendship lang yan, yung taong nakakakita sa inyo hindi magkakaroon ng “maling akala”. Besides, kung ang opinion comes from “the many” at hindi lang isa, medyo magreflect ka na kung ano ba sa attitude mo ang nagiging dahilan para pag-isipan ka ng mga nakakakita sa iyo ng kung anu ano. As you’ve written, “Kasi makailang beses na yatang nangyayari sa akin ang sitwasyong ito”. Anyway, kung importante sa yo yung iniisip ng ibang tao, you should really refrain from doing things that would give wrong impressions but then kung wa ka care go ahead, it’s your life anyway.

    “love life at malay ko ba naman sa bagay na iyan” – don’t you think that’s hypocrisy.

    “Love?…It’s just like saying goodbye to your greatest goals in life. And saying hello! to your worst nightmare!” I do really agree on this -> i believe Love is the reason Jesus died on that wood, it’s His Goal in life and i believe He didn’t say …”hello night mare”. Life without love, it’s not life it’s existence. You wouldn’t be here if not because of love unless you were made out of disgust and all of loves antonyms. Ei, dib a dead na si Rico Yan? Isn’t it na bangungot ang ikinamatay niya?…

    Nakakapagod talaga kung iintindihin mo lahat ng naririnig mo at paapekto ka. Kung di naman tututs, go lang girl, pakialam mo kung sore eyes yung attitude mo sa kanila. Sabi mo nga… basta nagpapakatotoo ka… let people think what they want to think.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s