Ikalawang Yugto….

Ikalawang Yugto….

Ikalawang Yugto….
May 4, 2007-from my i.ph blog

Sa wakas heto na naman ako…salamat naman sa panahon, parang kayganda ng aking pakiramdam habang isinusulat ito. Ang saya ko talaga kapag ako ay nakakapagsulat. Ewan ko ba, may isang taong nangungulit sa akin na isulat ko ang aking love story. Hay naku naman sa lahat ba naman ng bagay iyan pa ang gustong hilingin sa akin. Eh, alam niya naman na sobrang wala talaga akong may maisulat basta’t patungkol sa bagay na iyan. Hindi ko rin alam kung bakit iniuugnay pa ako ng taong ito sa isang tao rin. Haayyy! naku bakit nga ba napakalaking bagay talaga sa kanila ang kalagayan ng aking puso… Sa totoo lang talaga ni hindi ako nakaranas mag ka boyfriend. Paano ba naman sobrang lagi akong busy sa aking buhay na hayy naku naman parang walang kapahingahang mga samu’t saring problema ang dumarating. Alam kong hindi ka na makahinga sa kakabasa diyan paano nakalimutan ko yata ang tuldok at kuwit.

Pero naman napakalaki talaga ng utang na loob ko sa taong ito. Hayyy naku naman…wala talaga akong may maisusulat. Paano hanggang sa ngayon ni hindi pa rin naman ako nagkakaroon ng lovelife… Siguro pwede ko isulat ang lovelife ng ibang tao diyan. Huwag lang ang kasaysayan ng pag-ibig ko. Siguro nga espesyal ito kung magaganap at kung mangyari mang mag-iba ang ihip ng kapalaran at mapansin ni Kupido ang aking pusong hanggang sa ngayon ay nananatiling walang laman. Gusto ko lang kasi magtrabaho ng magtrabaho. Oo paminsan-minsan napag-iisipan ko din. Na nakakainggit, na parang hindi ako normal na dalaga sabi nga nila.Eh, ano ba naman ang gagawin ko, hindi ko naman alam. Hindi naman ako kasingganda ni Paraluman, kasing galing sumayaw. Hindi naman kaakit-akit ang aking alindog, hindi naman siguro talaga ako “girlfriend material”. Ewan ko ba at napakaraming taong mamatay-matay at sabik na sabik na malaman ang kasaysayan ng pag-ibig ko. Hindi ko na yata mabilang ang numero ng mga taong nagtanong sa akin ng tungkol dito. At ang nakakalungkot ito ay laging nauuwi sa katatawanan. Lagi nalang nila akong pinagtatawanan. Ano ba naman talaga. At saka wala naman akong pakialam kung wala akong love life. Wala naman akong pakialam kung tawagin nila akong Ms. Oldmaid. Gusto ko naman talagang maging “Matandang Dalaga”. At paano naman kasi eh ako ang bumubuhay sa pamilya ko. Para sa akin sapat na ang mga paghihirap ko. Sapat nang dahilan iyon upang sa gayon ay maging manhid ako, upang sa gayon ay pigilan ko ang aking damdamin kung maaari lang naman. Sana naman ipinapanalangin ko na magpakalayo-layo lamang sa akin ang tukso. Hindi lang naman kasi nila alam ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Hindi lang naman kasi nila naiintindihan iyon. Basta para sa akin, sobrang malalim ang bagay na iyan. Sobra siyang delikado, nakakatakot. Hindi ko alam, parang natatakot akong mangyari sa akin ang mga nangyayari sa iba. Ngunit kung talagang may itinadhana ang Maykapal para sa akin, iyon naman ay aking ipagpapasalamat. Ayoko rin namang ipagdamot ang aking sarili sa mga taong nais akong mahalin. Alam kong hindi ko kayang pigilan ang kanilang mga puso. Kung dumating man ang panahong ako nga ay magmahal. Marahil ay hindi rin ako makakapag-pigil. Sa ngayon pinag-iisipan ko pa ang bagay na ito. Ayoko kasing mabigla at masaktan. Ayoko ko sa mga bagay na nakakasakit. Alam ko kasi lagi at lagi itong mangyayari.

Kung may mamahalin man ako sa huli, siya ay mapalad. At kung dumating man ang panahong may pag-alayan ako ng aking sarili. Buong hayag kong sasabihin sa lahat ito. Walang pakundangang ipangangalandakan ko sa lahat na sa wakas ang aking Kristal na Puso ay nabasag na. Meron nga ba? Kayo na lamang siguro ang maghusga…

Ito lang muna ang love story ko sa ngayon.heheheh

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s