Sa bawat araw…

Sa bawat araw…

Sa bawat araw…
May 22, 2007-from my i.ph blog

Araw-araw kayrami nang mga samut saring pangyayari. Kayrami ng mga kasaysayan sa likod ng tabing na aking natutuklasan. May nakakatuwa, nakakalungkot, nakakapanghinayang at marami pang iba. Talagang ang buhay sinadyang inukit ng Poong Maykapal na maging makulay. Bawat isa ay may kanya-kanyang istorya. Bawat isa may mga kakaibang maikukuwento. Masaya! Nagiging masaya ang araw ko sa tuwing nakakapakinig ako ng mga kasaysayan ng mga taong mga nakikilala ko.

Ang nakakatuwa sa lahat ay ang malaman ko at maramdaman na nagtitiwala sila sa akin. Na buong puso nilang inihahayag sa akin ang bawat pitak ng kasaysayan ng kanilang buhay. Nararamdaman ko ang kahalagahan ko sa kanila. Nakakataba talaga ng puso na malaman mo na pinagkakatiwalaan ka nila. Dumaragdag ang aking lakas. Sila’y nagsisilbing inspirasyon sa akin. Siguro nga kung isusulat ko ang bawat mga kasaysayan nila baka makabuo na ako ng isang nobela. Pero talagang nakaka challenge. Napakaganda ng bawat hibla ng mga ito. Gustong-gusto ko na talagang simulang magsulat. Kaya lang gusto kong maganda ang aking pagkakasimula at hindi lang basta-basta. Kasi naniniwala akong naging parte na rin sila ng buhay ko. Kahit na yung mga tao lang na nakasalubong ko sa daan, nangiti sa akin at nginitian ko rin. Lahat kasi ng tao mahalaga sa akin. Mahal ko silang lahat.

Kagaya ng pagmamahal ko sa ating Panginoon, ganun din ang pagmamahal ko sa aking sarili at sa lahat ng mga taong nakapaligid sa akin.

Kagaya halimbawa ng lola ko. Na mimiss ko na talaga si Lola. Hayy..sana naman makauwi ako at mabisita ko siya. Mahal na mahal ko talaga kasi si Lola. Hindi lang dahil ina siya ng aking mama ngunit dahil mahal ko lang talaga siya…Mahal na mahal..gustong-gusto ko na lagi siyang nakikitang masaya. Pinanabikan ko ang mga sandaling niyayakap niya ako, hinahalikan at sinasabi niya sa akin na “nahidlaw na ko sa imo Day”. Tapos hinaplos-haplos niya ang buhok ko, tapos tumatabi ako sa kanyang matulog. Kaya nga ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya para naman kahit papano ay masuportahan ko si Lola. Para naman mapunan ko ang mga pagkukulang ko sa kanya. Gusto kong sa mga panahong ilalagi niya dito sa mundo ay maitatak ko sa kanyang puso at isipan na mahal ko siya. Na nadiyan ako sa tuwing kailangan niya ako. Uuwi talaga ako, gustong-gusto ko nang makita ng lola.

Kagaya ng pagmamahal ko sa Lola mahal ko din ang aking tiyahin. Si Mamay…malaki ang utang na loob ko kay Mamay..alam ko na kahit lagi niya akong kinagagalitan dati para din yun sa kabutihan ko. Naiintindihan ko siya. Sana may bumubulong din sa puso niya na mahal ko siya.

Sa lahat ng mga pinsan ko, Auntie’s at Uncles mahal ko silang lahat. Kahit hindi man nila ako nakikita palagi. Nandito silang lahat nakatatak sa aking puso.

“Lola, Mamay andito lang ako para sa inyo..hindi ako nakakalimot…hinding-hindi mangyayari iyon…Maraming salamat sa lahat ng mga bagay na ibinigay nyo sa akin. Higit sa lahat sa mga aral na itinatak ninyo sa aking puso. Pangako uuwi na ako diyan. Para kayo ay aking muling mayakap….MAHAL NA MAHAL KO KAYONG LAHAT…KUNG ALAM NYO LANG SANA..PARA SA INYO ANG LAHAT NG PAGHIHIRAP KO…BUHAY KO…ANDITO LANG AKO PALAGI…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s