Agos, hinagpis at dagok

Agos, hinagpis at dagok

May mga pagkakataong sa buhay natin ay kayraming nangyayari. Mga pangyayaring magulo, mahirap ipaliwanag. Yun bang sa isang iglap biglang nakita mo na lamang ang iyong sarili na nasa isang tabi, tulala, walang lakas, maputla, tila wala nang pag asa.May mga pagkakataong pinilit mong sumabay sa agos ngunit sobrang bigat at ni hindi ka man lang anurin. Napakasalimuot, hindi mo malaman kung saan, bakit, sino at paano. Ang hirap umusad, ang hirap na harapin ang lahat. Ito na nga siguro ang dagok ng buhay. Kayhirap ialis sa isip, sa puso, sa utak.

Hindi ko rin maintindihan, bakit kasi kailangan pang mangyari ang lahat. Durog na durog ang aking katauhan. Di halos makabangon. Sa kabila ng lahat ng dinanas ito na yata ang sobrang laking dagok na sa akin ay dumating.

Ang hirap palang hanapin ang sarili matapos kang yurakin, apihin, umiyak, saktan.Sobrang hirap, sobrang sakit ng lahat. Parang sasabog ang puso ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makita ang liwanag na aking hinahanap. Pinilit kong iwanan, kalimutan pero ayaw lang talaga.Kayraming pangarap ko ang di natupad, kayraming oras ko ang nasayang, kayraming salita, panulat ang hindi ko nailathala. Napakalaking balakid. Ni minsan ay hindi pumasok sa isip ko na ang dagok na ito ang siyang magiging hadlang upang hindi ko masabasi ang mga nais kong sabihin, tila isa akon bulag, pipi, bingi, manhid, walang puso, walang kakayahan, walang kwenta. Ilang beses man akong umiyak, sumubok na magpakasaya di pa rin nawawala.

Sana nga isang araw ang dagok na ito ay lumisan na upang hinagpis ay mapalitan ng saya at muli’y makasabay sa agos ng tadhana.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s