Ang mahirap, masalimuot na proseso ng paglimot

Ang mahirap, masalimuot na proseso ng paglimot

Alam mo ba na ang dali lang sabihin na, “Kaya mo yan”, “Huwag mo nang isipin pa”, “Move on”. Ang dali diba? Pero kapag ikaw ang sinasabihan at may pinagdadaanan ang hirap pakinggan, hindi naman kasi puso nila ang nasasaktan eh. Inaamin ko na nasabi ko rin ito dati sa mga kaibigan at kakilala ko, pero alam na alam ko ang bigat na nararamdaman nila, sa dami ba naman ng delubyo na pinagdaanan ko, sa lahat ng hirap, sakit kirot, hindi ko na nga minsan alam kung papano ko nalalampasan eh.

Masalimuot ang proseso na ito, ang hirap ipaliwanag, pero naiisip ko nga na kahit siguro anung pamanhid ang gamitin ko hindi nito tatablan ang puso ko. Kapag kasi puso natin ang tinatamaan lahat apektado.

Ang dami kasing bagay na nangyari sa akin na paulit-ulit na lang naaalala ng puso ko. Alam mo na iyong mga bagay na kahit ilang taon pa ang lumipas ang tindi pa rin.

Mga nakaraan na pag naalala mo sasabog ka talaga, iyong sampalin ka ng tatay mo na sobrang sakit at sa laki ng kamay nya buong mukha mo namaga at may hulma ng mga daliri, eh ang liit mo pa kaya noon. Wala kang reaksyon kundi iiyak, pero sa mga oras na iyon nagsisimula nang matutong masaktan ang puso mo.

Ang dami lang talaga, nung time na hinabol ka ng itak ng tatay mo kasi sinabi mo lang ang totoo na hindi mo sya mahal kasi sinasaktan ka nya, tapos nung mga oras na pinapalo ka nya ng paha kasi hinawakan mo ang bass ng sound system nya sa bahay na mas mahal pa pala nya yon kesa sa iyo, tapos nakita mo na sinipa ang kapatid mo at gumulong-gulong kasi pinaglaruan ang gitara ng tatay mo, sa murang edad na tatlong taong gulang, nagsimulang magtanong ang puso mo na bakit kaya nangyayari ang ganoon. Tapos bigla nalang ay namatayan ka ng kapatid, biglaan na mga pangyayari na sa musmos mong isipan ay halos hindi mo pa maintindihan na kung bakit kinabukasan hindi mo na sya makakalaro, kung bakit hindi sya magising sa kwadrado nyang higaan. Ang sakit talaga.

Tapos ang mga oras na nakikita mo na minamaltrato at sinasaktan ng tatay mo ang nanay mo, yung time na inuwi nya ang kerida nya sa bahay nyo para pagsilbihan ng nanay mo. Musmos ka pa noon pero pilit mong iniintindi ang mga bagay. Biglang natuto ka ng maaga na hindi ganun kadali ang mabuhay sa mundo. Isang araw nakita mo ang nanay mo na may black-eye tapos ilang bese syang nakunan sa pagbubuntis nya dahil sa pagpapabaya ng tatay mo. Ang hirap isipin at nasasaktan ka tuwing makikita mo na nahihirapan ang nanay mo, kaya sa murang edad ay natuto kang maghanapbuhay para matulungan sya. At bigla ay nakita mo na minaltrato sya ng kapatid at pamilya ng tatay mo. Wala syang kakampi sa lugar na iyon, kayo lang nga kapatid mo ang syang sandalan at nagpapapursigi sa kanya. Kaya nga bilib ako sa nanay ko, ang tibay ng loob, kung gaano nya lahat hinarap ang mga hamon. Alam ko sobrang sakit ng lahat para sa kanya.

Nung umuwi naman kayo sa pamilya ng nanay mo, naiwan kayo para makahanap buhay ang nanay mo, malayo na nga sya sinasaktan ka pa at pinagtatrabaho ng husto ng Auntie mo na pinag-iwanan sa inyo. Nung mga oras na araw araw at pinag iigib ka ng ilang galong tubig na hindi mo naman pweding gamitin ng walang pahintulot galing sa kanya, may mga araw na nagsusulat ka ng liham sa nanay mo at binabantaan ka na huwag magsumbong sa mga ginagawa nilang pagpapahirap, tapos binabantayan ka rin sa tuwing kakausapin ka ng nanay mo sa telepono. Araw-araw nagtitiis ka sa pisong laman ng bulsa mo, pinipilit mo nalang maging masaya sa pag-iimagine na sa tuwing naglalakad ka papunta sa school ay may mga fairies sa daanan. Pero ang totoo gutom, pagod at nanghihina ka na. Kinaya mo rin naman hanggang sa dumating at umuwi ang nanay mo at nalaman ang totoo mong kalagayan.

Tapos lipat na naman ulit sa ibang lugar, nanirahan kayo sa bahay ng kambing, inaapi ng mga kalaro at pinsan mo kasi mahirap lang daw kayo. Lahat ng pangungutya nila tinitiis mo lang. Ginawa mo ang lahat, nag aral kang mabuti, nagtatrabaho para makapag-aral. Lahat ng gawain sa liit ng katawan mo ay kinaya mo. Ang tanging regalo na mabibigay mo sa nanay mo ay ang pag akyat nya sa entablado para ikabit ang medalyang pinaghirapan mo. Pero hindi nawawala ang katotohanan at realidad na mahirap lang kayo, walang pera, hindi kayang bumili ng kahit isang pirasong papel.Naranasan nyong makikain sa ibang bahay sa sobrang hirap ng buhay, gutom ay tinitiis at pilit umasa na may darating na biyaya.

Tapos patuloy ang buhay, natapos mo ang elemntarya, hayskul at sobrang dami ng pangyuyurak na dinanas mo. Tapos nag kolehiyo ka na, nanirahan at nagtrabaho sa ibang tao para maitaguyod ang pag aaral, kahit hirap ka tiniis mo lang, hanggang sa umabot na wala kang kinakain, pumapasok ka na butas ang sapatos mo at sa sobrang awa ng kaklase mo ay binigyan ka ng isang pares ng sapatos.

Ang laki ng expectations sa iyo ng mga nakakakilala, pero ikaw naman laging napapaisip na bakit sobrang hirap naman ng buhay. Dahil doon ay pinili mo na itigil ang pag aaral at hanapin ang sarili mo. Mga ilang beses ka rin napaisip na kitilin ang sariling buhay. Pero sa huli isinalig mo ang buhay mo sa Panginoon, dinala ka ng mga paa mo sa Maynila, ang daming nangyari na nagpabago sa buhay mo.

Nagkatrabaho ka at tapos doon ay nakilala mo ang taong magmamahal sa iyo. Pero hindi naging madali ang lahat, ang daming pananakit na ginawa sa iyo, sinaktan ng ex niya, sinaktan ka ng nanay nya ng paulit-ulit. Ang sakit na iyon ay hindi basta-basta kasi psychological pain yon. Pilit niyang pinapakita na hindi ka nya gusto, pinatira nya kasama sa bahay nyo ang ex ng asawa mo, pinagtsismisan ka, pinaratangan palalamunin ka lang sa sandaling time na natigil ka sa trabaho, pinilit na ilayo sa iyo ang look ng pamangkin mo, ang dami lang negative na nangyayari na hindi mo maipaliwanag kasi wala ka namang masamang ginagawa sa mga taong ito. Minahal mo lang ang anak nya. Sinakripisyo mo ang career at pangarap sa pamilya para sa kanya. At dahil sa pilit na inilayo sa iyo ang loob ng pamangkin mo ay hindi mo naman lang ito makausap, hanggang sa mawala na sya. Sobrang sakit lang talaga.

Tapos ngayon naman bigla ay sinasaktan ka ng taong mahal mo. Unti-unti ay nagbabago ang pagtrato nya sa iyo na ang lamig lang. Ewan di ko na alam kung papaano na naman malalampasan ito. Malapit na sana ang 8 year anniversary nyo at papalapit pa ang kaarawan mo.

Kaya tuloy pilit na bumabalik ang alaala ng lahat ng nakaraan nung iniwan kami nga tatay ko at pinagpalit sa iba ang nanay ko, kung gaano kasakit na lumaki na walang tatay, kung gaano kahirap ang naging buhay ko, kung gaano na laging ako nalang ang nagbibigay, nagpapaubaya, nagkikimkim ng lahat ng sakit. Ang daming pagkakataon na iniiyak kong mag-isa ang lahat.

Kaya mo pa bang sabihin na “Move on” lang. Hirap kaya, ikaw try mo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s