Glenda R. Juele
Ikaw? Na inlove ka na ba sa bestfriend mo? Paano mo ba namamanage yon? Alam mo na lagi mo syang kasama, sa tuwing katabi mo sya di mo mawari na parang sasabog ang puso mo, sobrang lakas ng tibok na kung pwede nga lang iluwal na ito ng ribcage mo. Paano mo kinakaya yon bes? Hirap diba?
Minsan parang gustong-gusto mo na talagang sabihin pero super pigil ka lang kasi naman hindi nga pwede. Kakatakot kaya, alam mo yong mas pipiliin mo na ikaw lang ang nakakaalam at nagagawa mo pa rin ang lahat ng bagay sa tuwing kasama mo sya ng walang pag-aalinlangan. Heto lang naman kasi ang sitwasyon ko ngayon.
Ang tatanda na namin, parating na kami sa adulthood, wala ng teenyweeny days pang natitira, pero guys hindi naman super tanda na pa lola at lolo na ang peg, pero hindi lang talaga mawala-wala ang nararamdaman ko para sa kanya. Hay naku, kung alam mo lang talaga Bes. Hindi ko alam kung ilang beses na o kung nahuhuli mo ba ang mga titig ko sayo, minsan nga iniimagine ko na nakahiga tayo sa ilalim ng buwan at mga bituin, tapos alam mo yung eksena na parang sa pelikula, sa ilalim ng mga buwan at mga bituin, nakahiga ako sa braso mo, tapos may background music tayo. Hmmmnn ano kaya ang magandang music, teka hanap lang ako sa playlist, ay alam ko na ito Bes, nakikinig tayo sa musikang ito. “Tayo lang ang may alam” – Peryodiko. Tapos habang papalamig ang dapya ng hangin ay biglang igagapos mo ako sa yakap mo, tapos magkakatinginan tayo at unti-unti ay dadampi ang mga labi mo sa labi ko. Inaasam-asam ko yun palagi, sa tuwing nakatitig ako sa maganda at mapungay mong mata at malambot na mga labi. Kaya lang hay, bigla nagigising ako eh, tapos napapalitan na pala ang music sa “Why Can’t It Be ni Kaye Cal“. Sakit Bes!
Pero di bale nalang, ang mahalaga alam ko sa sarili ko na talagang mahal kita, na totoo ang pagmamahal, pag-ibig o kahit ano pa man ang itawag mo sa nakakasabog ng pusong pakiramdam na ito. Kaya lang ang tanong kelan pa ba ako makakaget-over Bes. Gusto ko na tuloy pakinggan ang “Bibitawan ka ni Juris“.
Paano nga ba tayo nagkakilala Bes, naalala ko college na ako noon pero ni wala man lang akong crush, tapos bigla kang dumating Bes, lakas ng karisma, nagkasalubong tayo sa corridor ng classroom, napatingin ako sa iyo kasi parang biglang nagliwanag ang kapaligiran, ikaw lang ang nakikita ko, bigla ding humina ang mga segundo. Parang na magnet ako ng magaganda mong mata at ang ngiti mo bes, akalain mo muntikan na nga akong malaglag sa hagdan. Hindi ko alam kung may recall ka din sa moment na ito. Pero nang malapit na akong mahulog Bes, ay naku napasigaw ka naman, tapos sabi mo “Miss!” biglang hugot sa kamay ko Bes. Akalain mo ba naman yun, ikaw pa nagligtas sa akin bes, ako naman lutaw lang, namalayan ko nalang na hawak mo na ako Bes, sa totoo lang sobrang heaven ang pakiramdam ko noon, tapos yun nagtanong ka sa akin kung saan ang room sa Rizal 101, gosh! heto pa Bes, magkaklase pala tayo sa subject na yon. Nauutal ako Bes habang sinasagot kita, sabi ko, “Ah, eh, Rizal 101 ba kamo?, Ah ano, ah hehehehe dito oh Room 101.” Tapos super ngiti ka naman sa akin tapos gosh! Seatmates na din tayo simula ng araw na yon. Hindi ko alam Bes, bakit ka nga naman napa close sa akin kasi hindi naman ako ideal at “ship” material. Basta siguro lang kasi sa sobrang funny na rin ng mga sitwasyon kapag kasama mo ako Bes, kasi sa isip ko ang funny ko lang talaga kapag kasama kita, kahit hindi ako magjoke talagang matatawa ka nalang kagaya ng bigla na lamang dumikit ang mukha ko sa blackboard Bes, kasi habang papunta ako doon ay panay ang lingon ko sa iyo. Naalala ko lakas ng tawa mo, sabi mo pa nga “Ikaw talaga napakanatural mo lang magpatawa.” Tapos ako naman sa isip ko, “Hindi mo lang alam Bes, tanga lang kasi ako sa iyo eh.” Gusto ko talagang ipagsigawan na “Bes, my love at first sight! My First Love!”. Kaso hindi pwede. Tapos iyon tumagal ang samahan natin, isang taon na naging sampu hanggang ngayon Bes. Alam mo ba may mga gabing hindi mo ako napapatulog. Naiisip ko na sana huwag ka nalang mag-asawa Bes. Sa tuwing tinutukso kita sa ibang mga girls iba ang laman ng isip ko. Ang sakit kaya. Sa tuwing tinatanong kita kung meron na ba nagpapatibok sa puso mo at tinatawanan mo ako at sinasabi mo na wala. Sobrang saya ko Bes! May chance pa naman siguro tayo, Weeeeee.
Hay naku, ano ba yan, napahaba naman yata ang storya na to. Bes hanggang dito nalang muna disclaimer muna ako.
Disclaimer: Ang storya na ito ay orihinal na isinulat ni Glenda R. Juele. Sa mga nagnanais na gamitin ang storyang ito, kung mangyari sana ay manghingi ng paumanhin o kaya ay bigyan ng credit ang totoong manunulat. Ito ay kathang isip lamang at ang mga nabanggit na pangyayari kung matutulad man sa totoong istorya ng ibang tao ay hindi ito sinasadya ng manunulat. Ito ay bunga lamang ng kanyang makulay na imahinasyon.
P.S. Sa mga gusto na may dugtong at marami pang malaman sa “I love you bestfriend” story ay mag comment lamang at magsusulat pa tayo nga mas marami.