I was once a writer, alam mo kapag sinabi mo kasi na writer ang ibig sabihin noon mahilig magsulat, mahal ang pagsusulat, magaling magsulat. Ako kasi bigla nalang nawalan ng gana. Alam mo ba yung pakiramdam na sobrang in love ka tapos bigla nalang na realize mo na hindi pala, hindi mo pala mahal, infatuation lang pala lahat. Parang ganoon kasi ang nangyari sa writing career ko. O baka nga naman hindi talaga ako writer na inakala ko lang na magaling ako at kaya ko.
Pero heto ako ngayon, nagsusulat, nag-iisip na parang may kung anong spark na na ignite ang isipan kong magsulat. Pero sa totoo lang hindi ko talaga alam kung ano ang isusulat ko dito, kung may kahihinatnan ba ang pahinang ito. Basta sa mga sandaling ito nararamdaman ko na parang may gusto akong isulat. Love story, corny nga eh, love story na naman. Alam mo ang dami ko na ngang naisip na love story, concepts pero hanggang doon lang di ko rin naisusulat, hanggang imagine lang ako. Siguro dahil procrastination, tinamad nalang magsulat.
Naisip ko kasi na ang sarap talaga ng feeling na in love, alam mo yung euphoria stage ng love na heaven ang pakiramdam. Na lahat ng imaginary things at mythical creatures kaya mong buhayin. Tulad na lang ng unicorn. Ang love sobrang complex nya kasi, may love na masaya, may masakit, may sakto lang.
Dumako tayo sa love na masaya, ito yung klase ng love na alam mo na mahal mo talaga at mahal ka din, give and take, walang lamangan, walang sakitan, loyalty to the max, sobrang endless pit ang kinahuhulugan mo. Yung mga tipong centinnial anniversary at till death bed ang loyalty, never nagsawa sa isa’t-isa, never tumngin sa iba. Masaya lang talaga. Ideal na love, perfect!
Tapos heto naman yung masakit na love, rebound love, na dahil lang sa walang choice, napilitan lang at pinag-aralan nalang na mahalin later, yung one sided lang at martyr na type of love na sa sobrang pagmamahal nagpapakatanga at nagpapaka bobo kahit alam mo naman na niloloko ka, yung alam mo naman na di ka masaya pero naawa ka lang, ang sakit nga, kasama na din dito yung mga palihim at hanggang tingin lang na love.
Pagkatapos heto naman yung love na not so perfect at not so bad, tsakto lang, mahal nyo ang isa’t isa pero may mga pagkakataon na nagkakasawaan din kung minsan, tampuhan, nag iinfatuate pa din sa iba kahit alam mo na mahal mo naman sya, nagkakasakitan ng damdamin, nagbabati, pero may respeto pa din sa isa’t isa, these relationship stays as well, kasi sa mga napagdadaanan tumitibay lalo ang samahan.
Sa kasalukuyan wala pa naman ako sa love circle na ito kung baga hindi pa ako na include sa Venn diagram. Hindi pa talaga ako na inlove ng totoo. Wala din naman na iinlove sa akin. Kasi sa tuwing sa pag-aakala ko ay dumating na o darating na hindi pa pala, false alarm lang. Siguro kung papipiliin ako sa mga types of love na nilista ko sa taas, mas gugustuhin ko ang masaya na love story. Ganun kasi ako eh, kapag natagpuan ko na ang taong magpapatibok ng puso ko, sya na yon, wala ng iba pa.
Pero kasi nung sinulat ko yung nasa taas mga ilang taon na ang nakalipas, ang dami nangyari na di ko inasahan, ang linyang ito ang totoong kasalukuyan. Sa hindi ko inasahan ay mararanasan ko pala ang dalawa sa mga ito, at hindi lang isang beses, maraming beses, lalo na yung masakit na love, tapos yung sakto lang, parang hindi na yata talaga matutupad ang masaya at perfect love.
Unang Love Story – Masakit (Rebound version)
Nakilala ko si Henry sa isang common friend, minsan talaga mapaglaro lang ang tadhana. Kumakain kami ng isaw noon sa isang ihawan, nagkataon na nagkita kami ng friend kong si Martha. Yon nagkatsismisan, update ng mga ganap sa buhay nya, share din ako ng ganap ko. Tapos nagkayayaan na kami na lumabas at mag night out, videoke. Si Martha ang nagbayad ng order namin. Tapos alis na kami, sa sobrang katangahan ko naiwan ko pala yung wallet ko doon sa isawan, pero di ko pa iyon na realize hanggang kinabukasan, papasok na ako sa work ng hindi ko na mahagilap ang wallet ko sa bag, nagpanic ako kasi nandoon ang ID ko sa office. Tapos biglang tumawag si Martha na may nagsauli daw ng wallet ko. Kakilala daw ni martha, buti nalang daw at nandoon sa wallet na yon ang dating reunion picture namin nina Martha kaya sya ang tinawagan nang nakakita nito. Ay sobrang tanga ko lang talaga. Sabi ko kay Martha magkita nalang kami at isama nya nalang yung kakilala nya na nakakita sa wallet para makapag thank you na din ako ng personal. So iyon nagkita kami sa isang cafe, nagulat ako kasi lalaki pala sya. Nahihiya akong nag thank you, tapos nagkamay kami, ewan parang iba eh, may kuryente kasi yung pagkakamay namin, tapos parang ang higpit ng kapit nya sa kamay ko at sobrang titig sya sa akin, natulala ako kasi ang pogi nya, wala syang pores, moreno pero makinis. Siguro mga 3 minutes kami nagkamay, di ko alam pero parang may sinasabi ang mata nya. Tapos yun, umalis na sya, sabi ni Martha cool off daw sila ng girlfriend nya kasi daw nahuli nya na may ibang ka date yung girl. Kaya naman pala, medyo nalula ako kasi baka naman gigil pala sya kanina at baka nakikita nya GF nya sa mukha ko. Hmmpp, huwag ko na nga lang isipin, kaya lang talaga di maalis sa isip ko ang gwapo nyang mukha. Gosh bakit ba ganun. Then lumipas ang isang linggo nalimutan ko na ang mga pangyayari, isang araw habang papasok sa work ng biglang may humablot sa humalik sa akin, biglaan di ko na nagawang magreact, napapikit nalang ako, naalala ko lang na sobrang bango nya at super lambot ng labi nya. First kiss ko sya OMG! Nang maalimpungatan ako, nakatitig nalang ako sa kanya at unti-unti naaninag ko ang mukha ni Henry. He smiled sweetly and said “Hi” at bigla akong hinila papalayo. Ang tanga ko di ko man lang nakuhang magalit, ang dami pa kayang taong nakakita. Kaya lang sobrang dalang-dala ako sa bugso ng damdamin ko eh. Parang yun biglaan na mahal ko na sya kaagad. No questions asked. At dun na nagsimula, nanligaw sa akin si Henry, nagdududa ako at ayoko sana syang sagutin kaya lang dahil sa kabog ng puso katangahan tuloy ang dulot sa utak. Yon sinagot ko sya without asking about his past, kung ano ang nagustuhan nya sa akin. Sa side ko kasi sobrang mahal ko ang taong ito. Sa totoo lang mabait naman talaga si Henry, maalaga sya at sweet, ang wierd lang kasi ang dami naming pinupuntahang mga lugar, sa isang araw andaming lugar naming nararating. Isang araw nasa mall kami, dinala nya ako sa make up section pero after a few minutes pumunta naman kami sa Cinema, tapos bigla nagyaya sya na mag roadtrip kami, gamit ang uber, ang mahal kaya ng binayaran namin sa uber kasi road trip daw walang direksyon, nagpaikot-ikot kami kung saan-saan, nakikinig ako sa music kaya hindi ko naririning ang mga instructions nya sa driver, humihito kami from time to time na parang may hinihintay, pero okay para sa akin iyon kasi naka lean ako sa dibdib nya the whole time, ramdam ko ang init ng hininga nya sa buhok ko, sarap pala ng may BF. Minsan bigla na lamang niya akong hinahalikan, niyayakap, sa mga random places. Pero may na notice ako, minsan kasi parang di nya lang din ako nakikita, tapos palagi malayo ang isip nya. Hanggang sa napagtanto ko isang araw na ang tanga ko pala, rebound lang pala ako, panakip butas lang, yung mga random travels at random sweet things, plano nya pala lahat yon, kasi sinusundan pala namin ang dating GF nya, ginagamit nya pala ako para magselos ang girl, ginagamit nya lang pala ako para ipakita sa girl na may iba na sya, pero ang totoo sobrang baliw pa rin sya sa ex nya. Nung nalaman ko iyon sobra akong nasaktan, hindi ko lubos maisip, sobrang sakit lang talaga. Hindi ko maintindihan kung bakit nakaya nyang gawin yon, hindi ko maintindihan bakit nya ako sinaktan ng ganoon na alam nya din naman na kung paano ang masaktan. I chose to end it up, kahit gaano ko pa sya kamahal, kailangan nyang mag-isip. Ako naman kailangan ko mag heal. Kaya iyon good bye sa love na masakit.
Itutuloy next love story: (Palihim)
Ikalawang Love Story- Masakit (Palihim-Hanggang Tingin)
Hindi ko talaga inakala na kaya palang tumibok ng puso kahit sa malayo, kahit natatanaw mo lang sya, kahit di ka naman nya kilala, kahit sobrang labo. Pero alam mo kahit may kirot may saya din kasing naidudulot ito eh. This story naman is about my crush na hanggang tingin lang ako.
Nate, yun ang tawag ko sa kanya, di ko naman talaga kasi sya kilala. Nung mga panahon kasi na yon nagsisimula akong mag explore ng feelings ko. Naalala ko may binoculars ako sa bahay. Ginagamit ko ito para mag star gazing tuwing gabi, tuwang-tuwa kasi talaga ako sa mga stars. Parang ibang-iba ang naidudulot na calmness ng star gazing sa akin. Hanggang isang gabi noon, habang nag iexplore ako ng binoculars ko biglang natuon ito sa isang bukas na bintana, bintana iyon ng mystery house sa lugar namin, wala kasing tao ito palagi, nung gabing iyon nakasindi ang lahat ng ilaw, sobrang linaw kasi ng crystal window na kitang-kita ko na ang loob ng bahay, tapos bigla nalang may naglakad na tao papunta sa window, tumingala ito sa langit na tulad ko nag star gazing din. Pinanood ko sya, sobrang nawili ako sa kakatingin sa kanya, maputi sya, katamtaman ang katawan, naka white shirt, ang pogi nya kahit sa malayo. Alam mo yung kahit sobrang layo nya ang kinis ng mukha nya na maaliwalas, sa sobrang kabaliwan ko di ko na namalayan na tumulo na laway ko. Ibang-iba ang kabog ng dibdib ko, sobrang lakas. Simula noon sya na ang sky ng buhay ko, pakiwari ko sya ang pinakamakinang na star sa universe ko. Kaya iyon wala syang kamalay-malay na sa tuwing nag sastar gazing sya ay may stalker pala siya. Hindi ko alam kung na notice nya ba ako o hindi, wala akong pakialam. Sa bawat araw nararamdaman ko na unti-unti na akong na iinlove sa boy in the window. May isang beses na tinangka kong dumaan sa harap ng house na iyon, elevated kasi sya above the rocks, kakaiba ang house, mysterious talaga. Kaya lang sa tuwing malapit na lang ako, naduduwag akong tumingin. Kaya yon hanggang tingin nalang talaga ako, hanggang star gazing lang sa malayo. Pero gosh! super kilig talaga ako sa tuwing makikita ko sya. Hanggang panaginip lang ako, minsan nag day dream ako na nakita nya ako at nagdate kami sa mysterious house, nagsayaw kami, nagstar gazing ng sabay at pagkatapos ay kinantahan nya ako tapos feeling ko para akong prinsesa at sya ang prince ko, pero bigla akong nahulog sa bed kaya nagising ako. Hanggang sa isang araw bigla nalang, wala nang ilaw sa bintana. Umasa ako at naghinta lumipas ang maraming araw, buwan, taon at sya ay tuluyan nalang naglaho. Normal star gazing nalang ulit. Sorry love di pa talaga time eh, sakit! Isang araw may nagpadala ng letter sa bahay, from, stargazer ang nakalagay at may kasamang stargazer na flower, ang lakas ng kabog ng puso ko, hindi ko kaya, alam nyo ba na hanggang ngayon di ko pa rin nabasa ang laman ng letter. Di ko na din naman nakita ulit si Nate. Ayoko nang basahin pa yon, past is past.
Ikatlong Love Story- Masakit (Pinakawalan – TOTGA nya Ako)
Alam mo minsan may mga pag-ibig lang talaga na kailangan mong pakawalan, this story naman is about a guy named Antone. Sabi nga nila opposite attracts, tama nga naman kasi super opposite namin ni Antone, lahat ng bagay na gusto nya ay ayaw ko at ganun din sya sa mga gusto ko but in the middle we’d meet. It was an exciting relationship, we did a lot of happy things together like travel, foodtrip at kung ano ano pa. The only problem I had with Antone is commitment at loyalty. Kasi Antone is “Boys be boys”, madaling ma fall sa iba, flirty at alam mo na love nya siguro lahat ng girls. At first I was passive because I love him that much at I trust him that much. But it was getting too far that I could not just tolerate it anymore. I feel like it’s going to be martyrdom na kapag ipinagpatuloy ko pa.
Don’t get me wrong, I love him so much, ipinaglaban ko sya, ipinagtanggol sa mga taong nagsasabi sa akin na di nya ako deserve. Ganito kasi yon Te.
When I met Antone, he’s super sweet, gentleman and during that time he was already well-known as babaero, but love conquers all nga di ba. So nanligaw siya, he tried to show me that he really loved me. Ayon di na nakawala ang heart ni girl, I accepted and we became official BF-GF. As a passive GF lahat naman nagagawa ni Antone, he was free to do anything he wants, walang boundary, kaya lang kapag pala lumalalim na ang pala ang relationship mo sa isang tao, marerealize mo na hindi na joke ito. I’m ready to be with this person for the rest of my life. And then you begin thinking about future plans and family. However, with Antone, I did not see that sincerity. Ramdam ko naman na mahal nya ako, he say’s sorry naman everytime and he accepts naman that he is wrong. Kagaya nalang nung nahuli ko syang nakikipaglampungan sa officemate na. He said it was nothing, but they continued texting. Na hurt talaga ako noon. It was the first time na I felt jealous. I felt like it wasn’t right. But then I forgave him. Because I love him nga diba.
Until one day, he’s with this other girl na naman. So I asked him, was he really serious about us, does he even respect and acknowledge that we are in a relationship. I tell you, he said all the sweet things to me and I gave in. And it happened again, and again. Until dumating na talaga ang araw na nasagad na at napuno na ako. I broke up with him. He cried, kneeled and did everything to say sorry. Sinuyo na ako, pero wala na talaga, kahit gaano ko sya kamahal hindi ko makakayang bumuo ng pamilya sa format na laging may kahati, laging may bago, laging masasaktan, laging ikaw ang mag aadjust, laging ikaw ang magtatanggol, laging ikaw ang malungkot. I’m all fed up. I did all that I could. I loved him, sobra pa sa pagmamahal ko sa sarili ko, handa akong ibigay ang buong mundo ko, pero gumuho lahat yon kasi di sya maka commit. I guess it’s his nature. So the only proper thing I could do for him is to let him go.
Months passed maraming nangyari even the parents got involved to fix it but my decision is final.
He wrote me a really long letter saying he was sorry and that I was the one that got away, he still loves me and he regrets everything and sent me this video https://www.youtube.com/watch?v=zWQN7u6g62c.