A Writer’s Love Story (My Teacher)

A Writer’s Love Story (My Teacher)

Disclaimer: Ang story na ito ay kathang isip lamang, ang mga pangalan ng karakter at mga pangyayari ay likha ng imahinasyo ng manunulat. Kung may mga pangyayari na may katulad sa totong buhay ay hindi ito sinasadya. Sa lahat ng gusto ng kopya, ilathala, gawing proyekto ang naturang istorya mawari ay ipagbigay alam sa author (Glenda R. Juele) O di kaya ay bigyan nga nararapat na acknowledgement ang orihinal na storya at manunulat bilang pag-iwas sa plagiarism.  

Acknowledgement: Para sa aking minamahal na asawa na walang sawang nag-iinspire sa akin. Sa aking family, kay mama, my bros and sis at sa mga isda, aso’t, pusa at mga halaman namin sa bahay. Kayo ang inspirasyon ko sa pagsusulat nito.

Bakit ba ang hirap magmahal, lalo na kapag hanggang tingin lang muna at napaka imposible. Lalo na at teacher mo pa. Illegal, impossible! Pero may illegal ba sa love? Just read nalang.

Alam mo iba na talaga kasi ito. Ibang-iba ang nararamdaman ko, hindi lang sya crush, hindi lang ganun ka simple. Love, pag-ibig na talaga eh. Naalala ko pa nung una kong masilayan si Prof., di ko inakala na magiging teacher ko pa pala sya. Sa totoo lang, nagsisinungaling kasi ang mukha nya sa edad nya.

Nung araw na iyon, palakad-lakad ako sa may corridor, nag-iisip, nagmumuni-muni, yapos ko ang mga notebooks ko, naka eyeglasses, naka ponytail ang mahaba kong buhok, walang make-up di ko pa alam ang make up, kaya natural beauty lang, bagong plantsa ang uniform at makintab ang sapatos ko. Kahit college na ako naka backpack pa rin ako, hindi kasi ako sanay na mag side bag or mag bag dalaga. Ewan basta  naiilang ako, siguro di pa ako naka move-on sa high school days. Dala ko rin sa backpack ko ang laman ng buong bahay namin, aakalain mo nga minsan may nikata kang pagong sa sobrang laki at halos di ako magkanda ugaga sa pagbubuhat nito. Tapos ayun, feeling ko namamasyal lang ako sa garden, wala akong pakialam sa paligid, malalim lang kasi talaga akong mag-isip na kayang mag-iba nang paligid sa tuwing nag iimagine ako. Dalang-dala at pumasok ako sa imagination ko na nasa isang forest ako at andaming super gandang mga bulaklak, mahilig nga pala ako sa mga bulaklak. Tapos napaikot ako at napapikit, wow super ganda talaga, tapos ayon malapit na pala ako sa hagdanan kaya nahulog ako, sa imagination ko, lumulutang ako at biglang nahiga sa malambot na grass na napapaligiran ng sobrang gandang mga bulaklak, naalimpungatan lamang ako kasi biglang may mga sigaw akong narinig. Tapos pagmulat ko in slow motion, nahuhulog ako sa hagdan, tapos pumikit nalang ako, pero lalong lumakas ang hiyawan, akala ko nabagok na ulo ko, nang may maamoy ako na sobrang bango, malinis na scent na nakakamagnet, tapos may kuryenteng gumapang sa buo kong katawan, kakaiba, isang feeling na first time kong nadama, tapos ay napamulat ako unti-unti, isang sobrang pogi at maamong mukha ang tumambad sa akin, at hindi lang iyan, magkadikit, yakap-yakap nya ako na para bang sobrang safe ko sa mga yakap nya. Todo hiyaw nang mga estudyante. Habang ako naman, natulala, sobrang na mesmerize ako, nakangiti sya sa akin, nababasa ko sa labi nya na tinatanong nya ako, if I’m okay, pero wala akong marinig slow motion ang lahat ng pangyayari sa akin, sobrang kabog ng dibdib ko, iba ang maamo nyang mukha, maaliwalas, napakaganda ng pantay nyang ngipin. Kaya lang biglang dumilim, pagkagising ko nasa school Clinic na ako, sabi ng nurse namin, nahilo daw ako, si Prof. daw ang nagbuhat sa akin papunta sa clinic. Naalala ko di pala ako nakakain ng almusal at anemic din ako. Kaya lagi akong nahihilo. Pero di  ko mapigilang mapangiti sa tuwing naalala ko ang mukha nya.

Nang maging okay na ang pakiramdam ko ay pinauwi na lamang ako ng school para makapagpahinga sa bahay. Pero di pa rin maalis sa isip ko ang lalaki kanina, bakit ganoon, imagination ko din lang ba iyon. Siguro sa pagkahilo ko lang, pinilit kong kalimutan kasi may tinatapos akong projects para bukas. At syempre kailangan ko pagbutihin ang pag-aaral kasi marami naman akong goals para sa future career ko. So iyon, nag focus ako sa projects at sa studies kinagabihan, pagkatapos nagprepare na akong matulog. Tomorrow is another day!

Kinaumagahan, prepare na ulit  para pumasok, pagdating ko sa gate ng school namin medyo early pa, pero pinagtitinginan ako ng mga estudyante, di ko alam pero parang  may pinag-uusapan sila, tapos ako diretso lang sa Literature class namin, pagdating ko ay ako pa lang ang tao sa loob, kaya nilabas ko muna ang mga gagamitin ko sa klase, pens, journal, notebook, highlighter. Hindi namin kailangan ang journal pero kasi mahilig akong magsulat, kapag boring ang class I write stories and poems, pero di ko naman pinapabasa sa iba. Habang abala ako sa paglalabas ng mga items sa desk ko ay biglang may nagsalita sa aking likuran.

“Good morning Miss Gwen, mukhang napakaaga mo naman yata, okay ka na ba?” Tanong nito sa akin.

Oh my gosh! Is this real? Sya na ba to, gosh! nararamdaman ko na unti-unting umiinit ang mukha at tenga ko, nagbablush ba ako. Nakatalikod ako noon kaya hindi ko pa sya nakikita. Tapos naramdaman ko na papalapit sya sa akin, naririnig ko kasi ang yapak ng sapatos nya, nag panic ako, pero hindi ako makagalaw, tapos nang sobrang lapit nya na bigla akong napaharap. Siya na nga! sobrang nagugunaw ang mundo ko, nakangiti sya. Habang ako naman sobrang stiff. Tapos nagpakilala sya sa akin.

“Ever wonder why I know your name? Nasa ID mo kasi kahapon, I hope you’re okay now.”

Di ako makasagot.

“By the way I am Mr. Christian Montinola, your new literature professor for this semester, may emergency kasi si Prof. Lobaton. What a great way to know each other. Take care Ms. Gwen and good luck sa class natin, dinig ko ikaw daw ang top student sa Literature class.”

And I was like, gosh! Totoo ba talaga to? Mesmerize pa rin talaga ako, sobrang nakatingin lang ako sa lips nya habang nagsasalita sya, weakness ko talaga kasi ang lips at ngipin. Napa smile nalang ako sa kanya, at di na nakasagot pa. Nagsipasukan na rin kasi ang iba pang mga students.

The class went well, aside from me daydreaming while staring at his face. It went well, we discussed about our reading, the love story of Salim and Anarkali, a very beautiful yet tragic love story between the Son of a Great emperor who fell in love with an ordinary but very beautiful courtesan, they fought for their love proving that death will not prevent them from loving each other. It was sad pero sobrang ganda na love story.

Pinagsulat kami ni Sir ng reaction paper as our assignment. Pero alam mo ba yung feeling na inspired ka nga pero nabobobo ka. Kaloka di ako makapag-isip, parang ang hirap mag focus at mag concentrate.  So I ended up writing a crappy reaction paper. Na nagresult naman sa pagpapaiwan sa akin sa class. It is both good and bad. Good kasi one on one ulit kami ni Prof. but then bad becuase I am so embarrassed at first time ko talaga na na call out sa class for writing crap.

Nagsialisan na ang lahat.

“So, Miss Gwen, I wanted to discuss this with you, why? Clearly, I am disappointed, akala ko pa naman I will read something better from you today. Bakit naman iniba mo yata ang story, bakit naman pinatay mo kaagad ang character sa story.Tsk, tsk, not a good impression, malapit na ang Essay writing contest para sa Inter-University day at ikaw pa naman ang pinapa train sa akin na maging contestant, but with this, I don’t think we can win. Can you please explain. Is everything okay?”

Tapos biglang sobrang lapit ng mukha nya sa akin, titig na titig. Sobrang namumula na ako.

“So sorry po Sir, distracted lang po ako. Honestly writing reviews, essays and reaction papers are my weakness po sir.” Sagot ko na nakayuko.

“No, no, no Miss Gwen, it can’t be, the University, buo ang tiwala nila sa kakayahan mo, you are more than this. Don’t worry, maglalaan tayo ng 30 minutes after class para mas lalo mo pa ma improve ang writing mo. I’ll guide you. Okay?” sabay ngiti at tapik nya sa balikat ko. Kilalang-kilala na pala ako ni Prof. nakakahiya.

Gosh! mamamatay na talaga ako sa kilig pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ramdam ko ang mainit nyang kamay at ang kuryente sa buong katawan ko. Please I need to get out of here. Tama ba ang narinig ko, I  need to spend 30 minutes with him everyday.

“Po, sir 30 minutes po? Aahmmmnn, do I have a choice po ba, I’ll just pass daily outputs nalang po.” medyo nanginginig kong sagot.

“Am I that scary to you Miss Gwen? Don’t worry, I don’t bite.”  sabay tawa nya.

Nagbibiro ba to? Mas lalo tuloy akong nag blush.

“Okay, I guess we have an agreement, see me tomorrow for our 30 minutes writing session. We need to get through this, it’s only 3 weeks before the competition.” Dire-diretso niyang sabi.

“Yes, po, goodbye Sir”, sabay talikod ko at labas ng classroom, di ko namalayan na nalaglag pala ang journal ko sa pagmamadali ko.

Naiwan si sir sa table nya at bigla ay na notice nya ang journal sa sahig. Pinulot nya ito pero mabuti nalang at may passcode ang journal. Vintage ang design ng journal ko, leather at may mga vintage flower stickers, tapos may nakasingit dito na mga stickers, bookmarks at isang letter. Isang letter na magiging dahilan kung bakit naging posible ang imposibleng love story na to. I am suppose to mail that letter sa imaginary mailbox ko.

Nasa bahay na ako nang mamalayan ko na wala na pala ang journal ko. Nagpanic talaga ako at napaiyak hinanap ko ng buong gabi. Nakatulog na ako sa pagod sa paghahanap. The next day sobrang maga ng mata ko at lalo pa na magnify ng eyeglasses ko. Pero kailangan pumasok. Habang papunta sa school sobrang napapaiyak pa rin ako sa tuwing naalala ko ang journal ko.

Isa nga pala akong loner kaya super importante sa akin ng journal ko, hindi lang talaga kasi ako maka relate sa iba. Di rin ako sanay na may mga kasama. Mas naapreciate ko talaga ang alone time ko. Sa sobrang kaiisip ko sa journal ko di ko namalayan na uwian na pala, tapos sobrang tamlay ko lang na naglalakad palabas ng gate ng biglang may humawak sa kamay ko. Nagulat talaga ako at biglang napalingon.

“Miss Gwen, have you forgotten, we are starting our 30 minutes session today. Go back to the room please.” Si Sir, hawak na pa rin ang kamay ko, bigla ko naman hinila at bumitaw.

“I’m so sorry po Sir, something happened po kasi, nawawala po kasi ang journal ko. Alam ko po nakapa shallow pero po kasi malaking bagay po iyon sa akin, sa life ko po, buhay ko po kasi iyon, gagawin ko po lahat para makita ko sya ulit. I don’t think I can go po sa session today.” sambit ko na matamlay pa rin.

“Ito ba ang hinahanap mo?”, sabay wagayway sa journal ko.

Nanlaki ang mga mata ko at biglang nabuhayan sabay abot ko sa journal, kaya lang.

“Oppps, huwag magmadali, diba sabi mo nakasalalay dito ang buhay mo? Gagawin mo ang lahat para dito? Then follow me.”

Napailing nalang ako, actually nainis na talaga ako, why, why of all people, at bakit kailangan ma hold nya pa ang journal ko. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

“From now on, until the competition ends, confiscated muna ang journal na ito, I need you to focus on our lessons.” sambit niya.

“You can still write sa journal, I’ll give 10 minutes of our time para makasulat ka dito. After that return it to me.”

Parang maloloka ako, ang pinakamamahal kong journal ay hawak ng taong walang kamalay-malay na sya ang pinakamamahal ko rin. Conservative din kaya ako, kahit gaano ko ka crush si sir hindi ako pwedeng magpahalata, aside nalang sa hindi ko mapigilang mag blush. Sa totoo lang first time ko talaga nakaramdam ng ganito.

So our lesson began, sa totoo lang marami akong natutunan sa kanya everyday. Napakagaling niya sa literature at technical side ng writing. Mas lalo akong humanga sa kanya, hindi lang sya gwapo, matalino talaga sya. Pero mystery pa rin sa akin ang biglang pagdating nya sa school. Anyway ganun naman talaga sa college, maaring mag-iba iba ang mga professors.

Sobrang nag focus lang ako sa studies, pilit ko na binalewala ang feelings ko. Sa tuwing may lessons kami at magkatabi kami parang mahihilo ako, sobrang stiff ko talaga, sa tuwing pinapakinggan ko ang boses nya parang isang awitin na dumuduyan sa kaisipan ko. Nang minsan bigla nyang nahawakan ang kamay ko habang nagbubuklat kami ng books, sabay kasi kaming napahawak, tapos biglang parang tumigil ang mundo, nagkatinginan kami, ewan ko ba, pero ang mga tingin nya ay tila may ipinahihiwatig. Pero pinilit kong kumalma. Lumipas ang mga araw at naging comfortable na kami sa isa’t-isa.

Kagaya ng kasunduan namin I have my 10 minutes to write in my journal. Minsan, habang nagsusulat ako, nahuli ko si Sir na sobrang titig na titig sa akin. Akala ko iiwas sya ng tingin, pero mas lalo pa nya akong tinitigan at napangiti. Super ganda ng mga ngiti nya. Nakakagaan ng loob. May feelings din ba sya sa akin?

A day before the competition sobrang tense ko. Ito na kasi ang mas pinakakaabangan ng lahat ng  universities and colleges. Sobrang laki ng writing competition na ito, that the winning school gets a reputation of being the best. It was heavy on me and my shoulders I must admit. Bilang last coaching namin ni Mr. Montinola, he invited me to dinner. Sa isang private restaurant.  Ipinagpaalam na rin nya ako sa school at sa mom ko. He said ihahatid naman ako sa bahay.

That night I chose to wear a casual dress, it’s a white dress with lace strap, then a black sandal, I clipped my long hair side to side, konting powder, konting lip tint and a small star earrings and I wore my favorite scent, Weekend by Regatta. I really love this scent. Tapos, sinundo na ako ng driver at hinatid sa restaurant.

Pagpasok ko, sobrang ganda, sobrang bango, ang daming flowers, ganito ba talaga ang set up dito? Tapos sa background naririnig ko ang music na “Pag-ibig na Kaya” ni Christian Bautista at Rachelle Anne Go. Sa isip ko parang ang bongga naman. Pero may pakiramdam ako na hindi ako makapag enjoy kasi puno ng kaba ang puso’t isip ko for the competition. Habang papalapit ako sa table sa may garden napakaganda ng set-up may pa candle pa. Tapos sobrang aliwalas lang ng panahon pagtingala ko nakikita ko ang daming stars. May crystal roofing kasi ang gazebo. Sobrang ganda.

“Flowers, Miss pretty.”

Wow ano to, si Sir binibigyan nya ako ng flower, I can’t believe my eyes, is this destiny? Blue Iris, this flower kasi ang pangarap ko na ibigay sa akin ng magiging first love ko.

“Thank you po Sir, ang ganda naman po dito, parang sobra naman po na treat ito, mas lalo pa po akong na pressure para bukas.”

Nakatitig lang sya sa akin, tapos sabay sabi.

“Pwede ba kitang isayaw?”

Nagulat ako, kasi hindi pa naman ako marunong sumayaw.

“Ikaw sir ha, ano ba to, di po ako marunong sumayaw sir.”

“Miss Gwen, please.” sabay abot ng kamay nya sa akin.

“Okay po.” sagot ko lang

“Let’s have fun tonight okay? Don’t worry I’ll guide you.”

Tapos nag change ang music sa, No One Else Comes Close by Joe.

Mixed emotions talaga ang nararamdaman ko, kahit sobrang in love na ako, di ko pa rin maalis ang isip ko ang competition.

Biglang hinigpitan ni Sir ang pagkakahawak sa beywang ko. Sa chorus na ng kanta.

“Miss Gwen, relax, I am here for you, at no matter what happens tomorrow, everything will be alright, you will be fine.”

Ewan parang sumasabay sa music ang boses nya, tapos bigla nalang sobrang lapit na namin sa isa’t-isa. Sobrang nararamdaman ko na ang hininga nya sa pisngi ko. Di ko pa rin gets. Nanliligaw ba sya sa akin, kasi hindi pa naman ako naliligawan. At syempre bawal to, hindi pwede ma inlove ang teacher sa student.

“Miss Gwen, ganyan ka ba talaga, alam mo nakakatuwa ka, kasi ang tagal-tagal ko na nagpaparamdam sa’yo pero di ko pa rin mapagtanto, kakaiba ka talaga. But it’s okay, I can wait, I will wait till you are ready. Please remember that.”

Ako naman sobrang kilig in the inside pero sobrang sabog din ang isip ko. Di pa nga siguro ako handa. Handa sa isang relationship, kasi mas mahal ko pa rin ang studies at reputation ko sa mga oras na iyon.

“Sir, can we sit down po. Pasensya na, kinakabahan lang po talaga ako para bukas.”

So we sat down, ate dinner, spent the remaining time watching the stars in the sky. Hinatid nya ako sa bahay namin.

“Sir pasensya na po, if hindi ako nakikinig sa mga sinasabi mo kanina, balang araw maiintindihan ko rin ang mga ibig mong sabihin. Balang araw magkakakusap din tayo ulit ng ganito, pero sa araw na iyon wala ng distractions.”

“It’s okay Miss Gwen, good luck for tomorrow. You can do it.”

“Thank you po.”

At yun na pala ang huling gabing magkikita kami. Pagkatapos noon, hindi ko na sya nakita pa, nag-iba na ang professor namin sa Literature. I won nga pala sa competition.

Sa bawat araw umasa ako na makikita ko syang muli, nasaan ka na ba Mr. Montinola. Ang daya naman. Araw-araw ko siya namimiss, pero hindi ako nagpapatinag. Parang alam ko lang sa puso ko na siya lang at wala nang iba pa.

I focused more on my studies and it all paid off. I graduated. Marami pa nangyari sa school but I survived, kasama ko si Journal ang tangi kong bestfriend. Walang araw na hindi ko naiisip si Mr. Montinola.

After graduation, I never wasted my time and applied for a job right away. Of course it is my dream to become a Literature teacher. I went to my University and passed my CV and portfolio, I got a call for an interview on the day itself.

Pagdating ko the secretary told me to get inside the President’s office. Tamang, tama naman at naka formal business attire na ako. White satin inside blouse, medyo lace ng konti at katamtaman lang ang neckline, paired with light pink na blazer at above the knee na skirt, nag heels na rin ako at dala ko lang ang tablet ko just in case they ask for a demo.

Pagpasok ko wala pang tao sa room, nakaupo lang ako sa sofa, preparing myself for the interview.

“Good morning Miss Gwen, mukhang napaaga ka yata ngayon.”

Gosh, kilala ko ang boses na to. Bigla akong napatayo at napalingon sa pinanggagalingan ng boses.

Siya na nga!

“Sir, Mr. Montinola, it’s been while. What brings you here po? Mag-aaply din po ba kayo ulit?” Nauutal ako, natutuyo ang lalamunan ko at higit sa lahat parang sasabog ang dibdib ko. Totoo na ba ito, bakit nagpakita siya ulit.

Naglalakad siya papalapit sa akin, lalong bumilis ang tibok ng puso ko, sobrang gwapo nya talaga.

Bigla nya akong hinila papalapit sa kanya at di ko namalayan, nakadampi na ang mga labi naming dalawa, nakadilat pa rin ang mata ko, gently his soft lips is caressing my lips, it was soft, warm, gentle kiss. Napapikit nalang ako, first kiss ko kaya. Ganun pala ang feeling ng kiss, kakaiba.

“Ang tagal ko hinintay ang araw na ito, and finally here we are my princess, my pretty innocent princess.” and he kissed me again.

And then may inabot sya sa akin isang letter. Oh my gosh! That letter from my journal! That very letter I have forgotten na, sya pala ang nakakuha. Here’s what the letter says.

Dearest Soulmate,

Hey, whoever you are, sorry ha maghihintay ka ng matagal, kasi hindi pa ako ready. Kung sakali man na umabot sa’yo ang letter na to at nasa school pa ako, sorry talaga pero I can’t entertain your love pa muna. The thing is I still have 3 years to graduate, marami din akong dreams at goals sa studies ko, kaya I won’t have time. Pasensya, pero alam ko mahal na kita. Ikaw na talaga. Wala nang iba pa. Ikaw lang ang tanging magpapatibok ng puso ko. At ako rin ang magpapatibok sa puso mo.

Promise mo maghintay ka, konting tiis lang my dear Soulmate. 

I love you so much and P.S. enjoy ka muna habang hindi pa time. In time, you will know, you will see, you will understand that my love is worth the wait. Paano mo ako makikilala, si God na ang bahala. 

Yours Forever,

Your Soulmate

Aba! akalain nyo ba naman may patutunguhan pala talaga ang letter na to. Totoo pala ang soulmate, at totoo nga na true love waits.

Si Mr. Christian Montinola pala ang President ng school namin, he’s 35 and I’m 21, not bad, especially that we are both in love. Siya rin ang first love, first kiss at first official boyfriend ko.

He has his side of the story so abangan nyo nalang.

At dito na nagtatapos ang love story namin ni Teacher.

A Writer’s Love Story – Feeling in Love

A Writer’s Love Story – Feeling in Love

By: Glenda R. Juele

Kakaiba talaga ang love. Yung tipong pwede kang mag tanga tangahan na hindi totoo ang lahat. Tapos buking ka naman kasi nga yun bang “Action speaks louder than words” ika nga.

Minsan bigla ka nalang naloka, di mo namalayan na sa sobrang titig mo eh may bukol ka na pala dahil poste na ang kaharap mo. Tapos yung tipong nagse-selfie ka daw pero ang totoo yung nasa background lang ang gusto mong kunan. Sus! bulok na ang style na yan. Kaya nga bulok nga eh bakit kaya ang mga ito ang pinag gagawa ko ngayon. Tanga lang talaga siguro ang taong in love. Tanga lang talaga ako ngayon. Pasensya na first time eh. Ok lang ang mga bukol, black eye at sugat, magagamot naman yan eh. Importante lang naman na masilayan ko lang ang love ko! Ayyeee me ganun?

Kayo naman masyadong mapaghusga. Ikaw kaya sa lugar ko kung di mo rin maranasan to. Ewan ko ba iba talaga ang dating nito sa akin. Para bang magnet, yung sobrang laking magnet na hinihila ako na parang gusto ng puso ko na super close, yung dikit na dikit. Kaso may problema. Panu ba yan eh hindi naman nya ako kilala. Kaya heto hanggang spy mode lang ang loka.

Andami ko kayang hinamak para lang masilayan si labs ko. Isang araw nun bumili ako ang telescope, hep hep hep, pagbigyan nyo nalang te kasi matanaw lang at masilayan sya sobrang saya ko na, sa malayo man ok na. Tapos isang gabi nagpanggap ako na nanonood ng stars sa langit yun pala iba na ang sinasayt ko. Hihihihi katuwa kaya. Kahit na hindi naman malinaw kasi laruang telescope pala ang nabili ko, may certain distance lang na pwede eh sobrang layo naman ni Labs. Tanga lang te in love nga eh. Di ko alam ganito pala ang voluntary reaction ng heart, parang nasa spell ka lang hindi ka makapalag, parang gayuma, ewan ang dami ko ng na compare. Basta kapag naramdaman mo to hay nako Tol, Te sigurado di mo rin ma idedescribe. Pasensya na po sa mga terms dito, nag eekspress lang po.

So back to my Labs. Kasi isang araw habang nasa kasagsagan ako ng bike session ko bigla ay may naaamoy akong sobrang bango, yung bango na talagang hahanapin mo ang source, sarap talaga ng amoy na sobrang fresh na woody, floral, masculine scent. Adik yata ako sa mabango, kaya yun di ko napigilan na hanapin sa paligid, sino ba to na sobrang ang bango at sarap gawing unan sa gabi. Yung tipong huggable na bango. Ayeeee! Dun pa lang nga kinilig na ako. Tapos napapikit ako kasi gusto gusto ko talaga langhapin ng todo. Todo na talaga, tanga talaga kasi hamakin mo ba naman na nakasakay sa bike tapos pumikit-pikit kaya yun sumemplang ang bike, nadapa, nagkabukol, gasgas at bali pero may bawi! Eh kasi bigla habang nakadagan ang bike sa akin ay biglang may lumapit, kahit nose bleed na ang lola eh amoy ko pa rin ang bango nya! Ayeeee kilig talaga ng todo at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko Te! Pumikit ako ulit ng biglang may humila sa kamay ko, super gentle touch tapos naramdaman ko na papalapit ng papalapit ang gwapo nyang mukha ayeeeee si Labs ko!!! Nung moment pa lang na yun alam ko na talaga sya na si Labs ko! Gusto ko nalang talagang himatayin sa mga kamay nya, tapos binuhat nya ako, ayeeeee super heaven talaga, dikit na dikit nga ang puso ko ngayon, super bango nya talaga, tapos di ko na namalayan ang oras, kahit sakit ng mga sugat ko, walang wala akong maramdaman except sa sobrang saya, sobrang saya lang. Parang biglang tumigil ang mundo ko, parang pakiramdam ko I’m a princess! Hahahaha sobrang OA lang no? Tapos dinilat ko ang mata ko ang nagkasalubong ang mga tingin namin, may gas! Te ang gwapo nya talaga! Tapos tinanong nya ako “Miss, are you ok?, Can you hear me.”  Ay te!!! para sabihin ko sayo super music to my ears talaga ang boses neto! Huwag mo na isipin ang Beethoven kasi heto na talaga ang ganda ng boses! Parang mas lalo pang gusto lumabas ng heart ko te!

Tapos yun nilapag nya ako sa bench na malapit sa may garden na nakatanaw sa pool. Tulala pa rin ako Te as in sobrang tulala talaga! Tapos bigla nalang paglingon ko te andami palang tao! Tapos lahat sila nakatawa yun bang para silang nakakita ng Clown sa circus. Di ko alam pero bigla akong napaisip anu nga ba ang itsura ko ngayon. Naalala ko kasi kanina yung lugar kung saan ako nahulog kanal yun te! Hay naku! nakakahiya talaga. Tapos ayun biglang nawalan ako ng malay. Nang magising ako nasa bahay na ako.

Sabi ng mama may naghatid daw sa akin sa bahay, tapos bumangon ako para tingnan ang mukha ko sa salamin. Hmmnn ok naman pero may naramdaman akong kirot sa may bandang likod ko, nang tingnan ko ay may malaking gasgas at pasa doon. Ang sakit! parang ngayon lang ako nakaramdam. Tapos may pilay pa ako sobrang sakit ng braso ko na hindi ko magalaw. Tapos nakita ko sarili ko sa salamin na biglang napangiti, naloka na nga ba ako, bigla ko kasi naalala si Labs ko, ayeeeeee. Siya kaya ang naghatid sa akin sa bahay? Ayeeeee kilig ulit. Limot na naman ang pain sa katawan te, hanggang ngayon nagpapaiwan pa rin ang bango nya.Kelan ko kaya ulit masisilayan ang labs ko.

Kinabukasan, dali dali akong lumabas para sa aking bike session. Nung nakita ko ang bike ko parang nasira ang araw ko kasi giba talaga eh. Panu ba yan hindi na ako makakapag bike nito. Hay! kaloka naman. Tapos naalala ko walking session nalang kaya. Dali dali akong nagbihis ng t-shirt at shorts. Hindi ko pweding ma miss ito, health concious kaya ang loka eh panu naman kasi sa sobrang laklak ng ice cream at chocolate tuloy nagmukha na akong piggy bank. Hindi naman super taba, yung cute na mataba hehehehe ang kapal lang eh.

So ayun, headset, mp3 and walking session perfect! Malapit lang kasi sa amin ang isang beach resort, napakaganda nga resort na super like mo talagang mag walking or bike session sa lugar nila. Ewan ko ba pero I find the place enchanted lalo na at maraming flowers and trees around. Talagang super enjoy ka lalo pa’t sabayan mo ng magandang music. Habang naglalakad ako pakanta kanta ako tapos pakiramdam ko akin lang ang world kasi feel na feel ko ang ganda ng paligid. Tapos bigla naging rock ang music eh di sayaw naman ako te! Lakad sayaw ewan kung panu ko na manage gawin basta masaya lang talaga. Naive lang siguro ako. Gusto ko kasi laging masaya, kasi sa araw-araw naman na binigay ng Diyos sasayangin ko lang sa mga walang kwentang bagay, kaya ayun pinangako ko sa sarili ko na araw-araw akong magsasaya. Yun lang te, simple lang buhay ko hanggang sa dumating si Labs at naging complicated kasi iba talaga sya te. Hindi yung bad na complicated sya yung good na complicated. So ayun back to walking session, lakad, dance dance sing sing ang peg te.Wala naman kasing tao dun ako lang, well siguro wala nga. Tapos bigla nalang ay nakaramdam ako ng uhaw, naghanap ako ng mabibilhan ng tubig nung magbabayad na ako dudukot na ako ng pera sa back pocket ng shorts ko ay biglang nanigas ang braso ko. Sobrang sakit na bigla akong napasigaw, nagulat tuloy ang nagtitinda, tapos sabi ko sa kanya “Kuya ang sakit po ng braso ko, pwede po ba kayo nalang kumuha ng pera sa bulsa ng shorts ko”. Tapos bigla pa sumakit ang tyan ko. Heto na ngayon si kuya eh di papunta na sya para dukutin ang bayad ko ng bigla akong napa otot. Te ang baho kaya ng otot ko! Naduwal nga si kuya eh, hahahahah kahit ako nga parang mahihilo tapos yung tipong paglingon ko ay nakuh! si Labs ko te nasa likuran ko. Nakakahiya talaga, sa sobrang hiya ko ay napatakbo nalang ako papalayo. Hay anu ba namang malas to. Pangalawang beses na yata to eh. Ayun di na naman kami nakapag-usap ng Labs ko, Hindi ko pa rin sya nakilala,

Hanggang sa isang araw habang nasa bike session ako, may isang biker din na biglang sumulpot sa may likuran ko. Sobrang saya ko kasi ako lang ang nag iisang biker sa lugar na iyon, Buti nalang at may kasabay na ako ngayon, tapos bigla ay naamoy ko te! Yung bike na dumaan ang bango nya, naalala ko talaga, amoy ni labs ko yon!

Tapos tumigil ako para magpahinga, nahiga ako sa grass ang sarap ng feeling! Tapos bigla ay natanaw ko na may nagpark ng bike nya sa gilid nga bike ko, tapos tanaw na tanaw ko rin ang paglapit nya sa akin, super kabog ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung babangon ako sa pagkakahiga o hihiga lang ba. Naku! si Labs papalapit na talaga, ayan na ayan na sya! Naka todo smile pa ang loko. Tapos ayun na estatwa na ako at di na nakabangon sa pagkakahiga naramdaman ko nalang na nakahiga na sya sa tabi ko. Yung parang twilight scene lang te! Ayun tapos tinanong nya ako. “Miss ok ka na ba? di ba ikaw yung nahulog sa bike? Buti naman at nakabalik ka na ulit sa hobby mo?” Sagot ko lang “Ah eh hehehehe ok, ok na ako”. Tapos sabi nya “Good ako nga pala si Hertz, ako yung tumulong nung maaksidente ka, inihatid nalang kita sa bahay nyo kasi magkapitbahay lang naman tayo. Bagong lipat pala kayo dito?”  Super kilig talaga tapos parang kinukuryente ang katawan ko ang lakas talaga ng appeal ni Labs. Sagot ko “Yes, kakalipat lang namin mga two months ago, sorry sa abala at thank you nga pala sa pag save sa akin. Nakakahiya talaga yung nangyari,”. Parang gusto ko ng sabihin na sya naman talaga ang dahilan ng lahat. Ayeeee pigil lang ako ng pigil kasi baka mayakap ko to eh. Tapos sabi nya “Ok lang yun, ang cute, cute mo kaya, lalo na nung nahilo ka”. Naku patay tinitigan nya pala ang mukha ko ayyeeeeee. Pagpapatuloy nya “Alam mo ba na dahil sa’yo nagkaroon ulit ako ng interest na magbike, may traumatic experience kasi ako sa bike, pero kasi sa tuwing nakikita kita na nag babike natutuwa ako. Buti nalang dumating ka dito. Simula noon, nagbike na ako ulit, hindi mo lang ako nakikita kasi nahihiya pa akong sumabay sayo eh.” Ayeeeeee super kilig na talaga to, may nararamdaman din kaya si Labs para sa akin? Kasi nung nag uusap kami parang ang saya lang. “Ano nga ba ang pangalan mo?” tanong niya. “Ah eh ako si Gale, natutuwa ako na nakilala kita at least may kasabay na ako mag bike. Sige alis na ako”.

Bigla akong bumangon at tumakbo papunta sa bike ko, hindi ko talaga mapigilan eh, baka kasi bigla ko sya talagang yakapin, Ayeeeeeee! Tapos bigla ay sumunod din pala sya sa akin. Sabay sabi na “Halika may ipapakita ako sa’yo”. Tapos hinila nya ako at sabay kaming tumakbo, super gulat talaga ako. Ano naman kaya ito Labs! Baka magka heart attack na ako. Totoo ba ang lahat ng ito. Baka panaginip lang. Gising girl, gising! Pero hindi eh, totoo talaga, first holding hands!!! Ang saya! ganito pala ang feeling ayeee! Tapos bigla ay lumiko kami at tumigil sa isang place doon na super ganda, isang garden na may mga butterflies, tapos tinakpan nya ang mata ko sabi nya surprise daw.

Ano ba to! Tapos nang dumilat ako ay nakita ko ang daming pictures! Nakalambitin sa mga hanging plants. Te akalain mo ba na pictures ko lahat yon! Hindi ako makapaniwala, Labs din pala ako ni Labs!

Kaso ang daming embarassing moments dun sa mga pictures, isa na dun yung itsura ko ng mahulog ako sa kanal, yung nag tetelescope ako para makita sya, yung, bumili ako sa tindahan na ang baho ng otot ko dun akalain mo nilagyan ng otot graphics ang picture, tapos yung pagsemplang ko sa bike, yung pagsayaw, lakad ko sa beach at marami pang iba!

Akala nyo hindi happy ending! Di pwede yun te! Kilala pala ako ni Labs ko! As in kilalang kilala! Sabi nya sa akin, una nya daw akong nakita na nag babike sa resort tapos ang cute ko daw, ayun di na nya mapigilan na kunan ako ng pictures, tapos sabi nya nung araw na yun alam na daw nya na ako na! Ayeeeeee..Oh di ba! Ang galing talaga ni cupid! Say ni Labs ako daw ang nagustuhan nya kasi aside from being funny, cute ay napaka fresh daw ng character ko, masayahin at alam nya na kung ako ang magiging kasama nya ay there will be no boring moments! Totoo! so true te! Kaya nga hanggang ngayon hindi pa din ako maka get over sa love story namin, kaya sana naman ay na enjoy ninyo!

Si Labs ko nga pala ay maputi, matangkad,clean cut parati ang hair,  pogi syempre, may dimples sa kanang pisngi, tapos palaging mabango! Ayeeeeee! Parang Paolo Avelino lang! Ayeeee end na nga natin to ayeeeeee!

 

Tanga! Bakit Inunfriend Mo? Internet Lang Yan Mas Matindi Ang Love!

Tanga! Bakit Inunfriend Mo? Internet Lang Yan Mas Matindi Ang Love!

“Wish I could be the one, the one who could give you love, the kind of love that you really need”.

“Sana dalawa ang puso ko”

Ang tanga ko naman talaga oh. Hirap naman kasi kapag mahal mo ang tao. Hamakin mo nga naman na kinakaya mo i unfriend. Hirap talaga sakiiittt!

Whew! panu ba yan eh ang tagal ko na talagang mahal ang taong to eh, di ko lang talaga maamin sa sarili ko o sadyang tanga nga talaga ako.

Nung una ko syang masilayan talagang iba eh, alam mo yung ramdam mo na biglang bumagyo sa loob ng puso mo. Totoo yung bang tipong pagtingin mo sa dibdib mo ay sobrang sabog dahil sa kabog ng kabog. Hayyyy totoo yan kaloka talaga.

Grabe naman kasi si Madlang Creator kung anu-ano ang mga pinararanas sa akin. Isa na nga dito ang makilala ko si “Prince of my dream”, maging bahagi sya nga buhay ko, maging kaibigan ko, katawanan, karamay. Kaloka talaga ano?

Hamak mo ang tagal naming nagkasama nito eh. Di ko alam kung my mga naging obvious din akong moves para mapansin ng tao na to na may gusto ako sa kanya. Sa araw-araw naming pagkikita sa school noon. Sa bawat araw na nakikipagtawanan sya sa akin, nakikiramay, nakikinig hayyssss bakit kaya hindi naging kami.

Tama ba na sabihin ko na natorpe ako sa kanya, eh di naman yata tama, ako torpe, may babae bang torpe? Pwede ba yun. Ewan ko basta feeling ko natorpe talaga ako. Hayyysss naloka na nga talaga siguro ako.

Himala na nga lang siguro na mahalin pa ako ni “Prince of my dream”. Wish ko nga sana talagang minahal nya ako noon. Ang tagal na rin kasi na mahal ko sya eh as in sobrang tagal na hanggang ngayon ay di ko pa rin sya maiwaglit sa isip ko. Maniwala ka pinilit ko talaga na malimutan sya pero di ko maintindihan.

Talagang bumabalik eh, ano ba yan! Ano ba talaga ang purpose mo sa buhay ko “Prince of my dreams”?

Teka lang medyo naalala ko nga pala unfriend? Hahahaha kakatawa kasi sa internet lang yun eh, sa internet ko lang kayang gawin yun sa kanya. Eh sa sobrang pag iwas ko ay parang lalo pa ngang lumapit eh. as in super lapit lang, halos isang jeepney ride lang nasa bahay ko na eh.

Tapos speaking of inunfriend ko sa internet tapos connected naman kami sa emails at skype! Tama ba yun? Hahahahaa ibang level talaga to. Ang bigat pare! Ang masaklap pa nyan ay na reunite talaga kami, dahil nga kasi yun sa “friendship” namin.

Siguro napakatalino ng taong makakapagturo sa akin na i unfriend ko sa buhay ko si “Prince of my dreams”. As in i unfriend sya in real life. Di ba pagpapaka obvious naman yun na parang sa wala lang dahilan ay bigla nalang di mo pansinin ang tao.

Hay nako Prince sana kung alam mo lang kung gaano kahirap sa akin na bigla ay nagkaroon muli tayo ng communication sa isa’t isa. Bakit naman kasi naging sobrang sama ng pangyayari sa life ko lately kaya nagdecide ako bumalik sa homeplace namin, yan tuloy eto na naman, simula na naman nga pagkabog, kabog nitong puso ko para sayo.

Naalala ko nga one time na nagdinner tayo, as in isang rare event na tayong dalawa lang and we were talking about our lives at di ako makatingin sayo, di ko kaya na makipag-usap ng matino, yung ang hirap na inches lang ang pagitan natin sa isa’t isa. Sobrang naiihi ako sa sobrang kilig na for all those years naulit muli na na solo kita.

Sa dami pa naman ng nagkakagusto at humahabol sayo. Hayyyysss super talaga , super killiiiiggg ang moment na yun, tapos ihinatid mo pa ako sa bahay kasi ginabi na tayo sa sobrang kwentuhan na hindi ko rin maalala ang lahat nga sinasabi mo at sinasabi ko sayo kasi sobrang overwhelmed ako na parang litaw sa ulap ang isipan.

Yung unang alone moments kasi natin noon yung sinundo mo ako sa harap ng school tapos sumakay tayo ng traysikel papunta sa bahay ninyo kasi makikigamit ako ng phone. Tapos naalala ko nun na tinanong tayo ng isang schoolmate na kung kelan daw ang wedding natin, as in sobrang kilig ko nung sinabi mo na “Bukas, bukas na ang kasal namin” kung di nga lang jowk yun eh, papatulan ko na talaga.

Ang dami pa kaya nating mga kilig moments, tulad nung nag party tayo sa may tabing dagat kasama ang ibang friends tapos naglaro tayo ng truth or dare at pinapasigaw mo sa akin kung sino ang crush ko. Hayyysss kung alam mo lang pangalan mo talaga gusto kong isigaw.

Tapos nung isang beses na gustong gusto mo ako isama sa bahay ninyo. Sabi ko nga tanga ako eh kasi sinabihan kita na busy ako at di ako makakapunta at next time nalang.

As in ang dami dami at super dami pa ng mga moments ko sayo. Pero panu yan eh di mo naman ako like kasi friends tayo eh.

Nakakainis ka naman kasi minsan eh may mga i miss you, miss you ka pa na message sa akin, may mga pasaring ka pa na anu gagawin mo kung wala ako. Eh sino ba naman ang di kikiligin sa mga yan.

Pero alam mo kasi, nakalimutan na kita eh, it was like 5 years ago na manirahan ako at nagpatuloy mabuhay sa ibang lugar. Di mo lang kasi alam isa ka sa mga dahilan kung bakit lumayo ako.Di na kita naaalala nun eh, di ko na nga matandaan na naging magkaibigan tayo.

Ang masaklap pa kasi nyan hindi na talaga pweding maging tayo kasi mamaya ko nalang i re-reveal ito.

Back to kilig moments muna, isa pa kasi sa tuwing magkikita tayo talagang ang saya saya ko. Sobrang saya na parang nanalo lang sa jackpot ng lotto.

Ikaw nga talaga siguro ang first love ko kasi ang hirap hirap mo i let go. Ang hirap na di ka pansinin, makausap, makita. Sabi nga nila first love never dies, tama nga siguro because in my heart you never died. Nandiyan ka palagi, naaalala ka ng puso ko sa tuwing makikita ka niyang muli.

Nung una talaga akala ko crush lang eh, pweding lumipas, tumanda, mawala, kumupas, pero hindi eh, parang masyado pa nga yatang tumindi eh.

Kung pwede nga lang sana. Super sayang. Mahal pa rin talaga kita. Sana one day may chance na maging mahal mo rin ako.

Ngayon kasi may mahal na akong iba, meron nga may-ari sa puso ko, nakalock na nga eh, nakatali, kandado at vault pa.

Panu kasi eh di ka naman na nagparamdam nung mawala ako, yan tuloy si Madlang Creator binigyan ako ng bagong someone.

Hindi ko naman sinasabi na hindi ko mahal ang asawa ko ngayon pero kasi mahal pa rin kita at mahal ko rin sya.

Mukha ngang nagkatotoo yata ang theme song na ginamit ko noon sa isang story na sinulat ko “Sana dalawa ang puso ko”.

Ang bigat-bigat na talaga kasing dalhin nito eh. Di ko na kaya, hirap nang itago. Puso anu ka ba i let go mo na nga huwag ka lang mag unfriend kasi hirap eh.

Basta kung mababasa mo to alam mo na na sobrang tinamaan talaga ako sayo.

To my current love: I love, love, love you pero di ko alam, kagaya mo lagi mo rin ikinukwento ang tungkol sa first love mo na hindi mo sya kayang kalimutan, siguro ganun din ang nasa puso ko ngayon.

Ang wierd no? Kaya kayo hoy! Di epektib ang unfriend kasi magkikita pa rin kayo, magkakausap, magkakapicturan at kung anu-ano pa.

Wakas na wagas! Tingnan at abangan nalang natin ang mga kaganapan, magaganap, gaganapin!

A WRITER’S LOVE STORY (Filipino Short Story)

A WRITER’S LOVE STORY (Filipino Short Story)

A WRITER’S LOVE STORY

By:Glenda S. Ramos

 

“Sana dalawa ang puso ko, hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo…”

Naranasan mo na bang mamili sa dalawang pinakamahalagang bahagi ng iyong buhay? Hindi ba’t mahirap? Tulad nitong sitwasyon ko ngayon. Oo isa akong manunulat, sabi nga nila experience is the best teacher daw kaya naman siyempre maganda magsulat kung talagang naranasan mo ang mga nilalaman ng iyong katha. Kaya nga nagkandagulo-gulo ang buhay ko ng dahil sa experience na iyan. Malapit na kasi ang araw ng pasukan noon, siyempre dahil isa nga akong manunulat kinakailangan kong makagawa ng isang istorya at siyempre ano pa ba ang temang makakapagbigay buhay sa mga tulad kong teens eh wala namang iba kundi pag-ibig. Sobrang tanga ko naman kasi kung bakit pinasok ko pa ang sitwasyong iyon. Sa totoo lang hindi pa kasi ako nagkakaboyfriend at ni wala rin akong may napupusuan. Sabi ko para maiba naman ang life ko magta-try ako ng isang gimik na kakaiba. Tapos naalala ko na paano kaya kung maghanap ako ng boyfriend. Take note: “Ako pa mismio ang maghahanap ha!” ang kapal ko talaga ano? Aba, parang pinatotohanan ko na yata na baligtad na ang mundo, siyempre babae ako. Well, hindi naman talaga ganoon ang totoo kong purpose, gusto ko lang naman talaganag magkaroon ng experience na magkaboyfriend para may maisulat akong article. Kitam, ang cheap ko talaga. Pero bahala na basta pagkatapos ng lahat ay hindi na ako uulit pa. Hindi naman totoong boyfriend eh, kunwari lang tapos ‘pag nagkaroon na ako ng ideya kung anong love story ang isusulat ko e di balik na naman sa normal ang buhay ko.

Nabuo na ang aking pasya. Pero ewan ko ba kung may papatol nga sa itsura kong ‘to. Haay naku, mahirap talagang maging writer, oo. Kung hindi lang talaga dahil sa article na ‘to di sana ‘di ko pa naisipan ang kalokohang ‘to. Ah, basta bahala na.

Ganito kasi ang nangyari . Noong gabing maalala ko na maghanap ng boyfriend may dumaang isang falling star kaya nag-wish ako kaagad. Sabi ko kung sino man ang unang lalaking makita kong nakasuot ng t-shirt na kulay blue kinabukasan ay siya na iyon. Tatlo lahat ang wish ko, tungkol lang iyon sa paghahanap ko ng boyfriend. Ang ikalawa sabi ko kinakailangang makita ko siya sa harap mismo ng gate ng school namin at lastly sabi ko sana ay mahulog ang puso niya sa akin. Napaka-weird ko talaga. Wala naman akong magawa kasi heto talaga ang totoong ako. Hahamakin ang lahat para lang makapagsulat.

Kinabukasan siyempre excited na ako, first day kasi ng mission ko eh. Maaga akong nagising, naligo at nagbihis. Tamang-tama naman at free day namin ang ibig sabihin pwedeng hindi kami mag-uniporme. Hindi naman ako mahilig magsuot ng palda, hindi kasi komportable kaya ang ending nakapantalon pa rin ako ng ragged at naka T-shirt. Paborito ko kasi itong isuot at siyempre dala-dala ko pa rin ang bola ng basketball at ang knapsack kong bag. Sino ba naman ang mag-aakalang naghahanap nga ako ng boyfriend e sa itsura ko pa lang parang daig ko pa ang isang tunay na lalaki. Bahala na basta nag-wish na ako kagabi. Nagpaalam na ako at umalis ng bahay.

Pagdating ko sa may gate ay parang ayaw ko pang tumingin kasi parang nakakatakot. Grabe talaga ang aking kaba. At heto pa, alam ba ninyong parang maloka ako at mahilo nang matanaw ko ang dalawang lalaki na parehong naka-suot ng T-shirt na kulay blue at titig na titig sa akin habang pinagtatawanan ako. Gigil na gigil talaga ako, kaya sira ang araw ko at nalimutan ko na tuloy ang tungkol sa wish at plano ko. Wala akong nagawa at dahil sa sobrang inis ko ay sinugod ko ang dalawang lalaki at binato hawak kong bola. Tinamaan silang dalawa sa mukha. Pagkatapos niyon ay dali-dali akong tumakbong papalayo kaya hindi ko na nakita kung ano pa ang nagging ekspresyon ng kanilang mga mukha. Dumiretso ako sa canteen, bigla kasi akong nakaramdam ng gutom. At dinagdagan pa iyon ng mga mokong na bastos kanina. Haaay naku ano ba ‘to ang dami namang tao. Pero wala rin akong nagawa kundi makipagsiksikan sa mga iyon. Nang makarating ako malapit sa may pintuan ay may nakabangga sa akin. Mabuti na lamang at nasalo ako ng lalaking nasa aking likuran kung hindi, malamang napakalaki na ng bukol ko. Kaya lang, laking gulat ko nang sa aking pagharap ay nakita ko na naman ang mukha ng dalawang lalaking kinaiinisan ko. Kaya, agad akong lumayo at pumila upang umorder ng pagkain. Pagdating ko sa cashier ay agad kong kinapa ang aking bulsa upang makapagbayad, pero teka lang mukhang nawawala yata ang wallet ko ah! Naku ano ba namang malas ‘to asan na ba ang wallet ko. Mapapahiya na talaga ako at parang maloloka na nang may mag-abot sa akin ng twenty pesos. Aba! Sila na namang dalawa. Bahala na, kailangan kong tanggapin ang pera naghihintay na kasi ang tindera. Hindi ko na nakuhang magpasalamat, dapat naman talagang gawin nila iyon kasi sinira nila ang araw ko kaya bagay lang na sila ang magbayad sa lahat ng kinain ko ‘no. Ang sarap-sarap ng pagkakasubo ko nang may magsalita mula sa aking likuran. “Ibang klase ka talaga miss, tinulungan ka na nga hindi ka a nagpasalamat tapos, tatalikuran mo lang kami.”

Napalingon ako at muntik pa akong mabulunan. Pagharap ko ay ang mukha na naman ng dalawang lalaking kaaway ko kanina ang tumambad sa akin. Hindi na talaga ako nakapagpigil. “Aba,aba,aba mukhang kayo pa yata ang may lakas ng loob na manumbat at magalit sa akin! Hoy, mga mokong for your information sinira ninyo ang araw ko at pwede ba, umalis na kayo sa harapan ko kasi baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa, okey!”

“Bakit ba ang sungit-sungit mo miss eh magso-sorry pa naman sana kami.” Sambit ng lalaking may hawak na bola.

“Wala akong pakialam sa inyo, at isa pa hindi ako tumatanggap ng sorry lalo na ng mga taong katulad ninyo at saka bakit ba ang kukulit, ninyo ha?”

“Ok,ok, hindi ka na naming kukulitin basta magkakaroon tayo ng deal.” Ang isa na naman ang nagsalita.”

“Alam nyo ang gulo ninyong kausap at ang kakapal talaga ng mga pagmumukha ninyo, ano?” Bulyaw ko sa kanila

“Sige na, pumayag ka na kasi, kung ayaw mong hindi ka namin titigilan.” Sabi uli ng may hawak ng bola.

“Whew nakakainis talaga kayong dalawa, ano bang deal na yan, bilisan nyo na nga at nang makaaalis na ako.”

“Nakita ka namin kanina na may hawak na bola. Ibinato mo pa nga sa amin eh. Simple lang naman itong deal, tatalunin mo lang naman kami sa basketball. Kapag natalo mo kami, free ka na, pero kapag nanalo naman kami, pipili ka sa amin kung sino ang magiging boyfriend mo.” Sambit ng lalaking nakabag.

“O, ano payag ka na?” sabi ng may hawak ng bola

Nanlalaki ang aking mga mata at hindi ako makapaniwala sa sobrang kakapalan ng mukha ng dalawang kaharap ko. Kaya lang ay may naalala ako. Ang wish ko nga pala kagabi. Ito na siguro ang chance na magkaroon ako ng boyfriend. Walang kamalay-malay ang dalawang mokong na mabibiktima ko sila. Siyempre kunwari pakipot muna ako tapos pumayag na rin.

“Sige payag na ako basta siguraduhin lang ninyo na matatalo ninyo ako.”

Tuwang-tuwa ang dalawa at sabay pang napahawak sa kamay ko at hinila ako sa gitna ng basketball court. Mabuti na lamang, wala nang maraming tao at walang may nakakita sa amin kasi uwian na.

“Hoy, ano ba kayong dalawa, bitiwan nyo nga ang kamay ko!”

“Teka, hindi pa nga pala tayo nagkakakilala ano? Sabad ng lalaking may hawak ng bag.

“Anyway ako nga pala si Paul, dugtong nito, sabay abot ng kanyang kamay sa akin.

“At ako naman si Reyven. Sabad naman ng lalaking may hawak ng bola.

Sabay silang dalawa sa pag-abot ng kanilang mga kamay sa akin.

“Gen.” Sagot ko lang at hindi na ako nagkamay pa.

“Ok let’s start the game.” Sabi ko na lang.

Sa una ay medyo nahirapan ako, magagaling kasi sila at take note, dalawa sila ang kalaban ko. Nang nasa kalagitnaan na ng laro ay malapit ko na sana silang matalo kaya lang ay nadapa ako at nadaganan ko si Paul. Hindi ako nakatayo kaagad kasi hingal na hingal ako at pagod na pagod na ako sa kalalaro.Tumambad sa akin ang kanyang mukha at nasamyo ko ang mabango niyang hininga, napatitig siya sa aking mga mata at gayundin ako. Parang hinihigop ng kung anong kuryente ang aking katawan at hindi ko na makuhang makatayo. Napakatagal ng aming pagtititigan. Ngayon ko lang na-appreciate, gwapo rin pala ang mokong. Siguro perfect description nga sa kanya ang tall, dark and handsome.

“Hoy! Ano ba kayong dalawa magtititigan na lamang ba kayo diyan hanggang bukas, “ sabi ni Reyven.

Noon lang ako nakabawi, pero hindi pa rin ako makatayo, pinilit ko ang aking sarili. Mabuti na lamang at inalalayan ako ni Reyven.

“O, ano laban ka pa, talo ka na kasi eh! Killer looks lang pala ni Paul ang katapat mo,” pang-iinis ni Reyven.

“Hmp, tumahimik na nga kayong dalawa, for your information. Mainlove lang ako sa iba hindi lang sa mga katulad ninyo.”Pinamumulahan na ako ng mukha. Kaya yumuko na lamang ako at inayos ang aking sapatos tapos ay tumalikod na ako. Akma na sana akong tatakbo ng pigilan ni Paul ang aking kamay.

“Ooops, may nakalimutan ka yata ah! Paano na ba ang deal, sorry kasi natalo ka eh, kaya kailangang tuparin mo to, okey!”

“Ano ba talaga kayo, hindi na ba talaga ninyo ako titigilan. Oo natalo nga ako, so ano ngayon kung natalao, eh ayokong sundin ang deal. Kaya diyan nalang kayo at sorry din kasi naloko ko kayo. Bye.” Dire-diretso ang aking takbo papalayo. Hindi ko na nakita kung ano ang naging expression ng mga mukha nilang dalawa.

Pagdating ko sa bahay ay diretso ako kaagad sa banyo, nag-half bath, tapos kumain at nagpahinga na. Pakiramdam ko ay hinabol ako ng sampung aso. Nanakit ang buo kong katawan.

“Anak, nag-aapoy ka sa lagnat ah, ano bang nangyari sa iyo?” Ang mama ko.

“Wala ma, napagod lang siguro ako. Hihingi na lamang po sana ako ng gamot.”

“Okey, magpahinga ka na lamang diyan para gumaling ka kaagad.”

Kinabukasan ay hindi nga ako nakapasok, hindi ko kasi kayang tumayo, masyado kasing masakit ang aking buong katawan. Maya-maya ay pumasok si mama sa aking silid. May bisita raw ako. Sino naman kayang mga asungot ang naparito sa bahay.

Hi!, Gen kumusta” bati nito sa akin

Laking gulat ko nang sa paglingon ko ay nakita ko na namang muli ang mukha ng dalawa kong kaaway. At ang kakapal talaga ng mga mukha, aba’y akalain nyo ba namang pumasok agad sa kwarto ko. May dala-dala pa ang mga ito na prutas at mga bulaklak.

“Kayo na naman, ano ba kayo, mga mangkukulam? Paano ba ninyo nalaman na dito ang bahay namin at paano rin ninyo nalaman na may sakit ako? Siguro mga mangkukulam nga kayo, ano?”

Lumabas na si mama, kaya kaming tatlo lang ang naiwan.

“Huwag ka nang magalit,heto o dinalhan ka namin ng mga prutas at bulaklak.” Sabi ni Paul.

“Ano kayo hilo,kelan ba talaga ninyo ako titigilan ha? At saka kung ako sa inyo iuwi nyo na lang iyang mga dala-dala ninyo kasi baka malason pa ako at mamatay nang tuluyan.”

“Huwag ka namang magbiro ng ganyan, sige ka, kapag namatay ka eh di wala na kaming magiging girlfriend at saka sayang naman kasi maganda ka naman at gwapo rin naman kami.” Sabi ni Reyven.

Inis na inis na talaga ako, kaya nagtulug-tulugan na lamang ako para hindi ko na sila makita pa. Akala ko ay titigilan na nila ako, pero hindi pa pala. Naramdaman kong may humawak sa dalawa kong kamay.

“Alam mo Reyven, itong kamay na ‘to kapag ako ang napili siguradong hinding-hindi ko na bibitiwan pa.” ani Paul.

“Akala mo naman magpapatalo ako sa iyo, kapag ako naman ang napili siyempre magbubuhay prinsesa siya kasi lagi akong luluhod sa kanya at hahalikan ang kanyang mga kamay.” Sabad naman ni Reyven.

“Ang kukulit talaga ninyong dalawa. Hindi na ba kayo nagsawang asarin ako? Ni hindi ko pa nga kayo kilalang lubusan, eh kung makaasta kayo akala ninyo matagal na tayong magkakasama.”

“Sige na, pumayag ka na kasi sa deal.” Pangungulit pa rin ni Reyven.

Doon nagsimula ang pagiging malapit namin sa isa’t isa. Dahil lang sa deal at siyempre dahil din sa wish ko. Habang tumatagal ay lalo akong napapalapit sa dalawa at gayundin sila sa akin. Wala akong pinipili sa kanila kasi magkatimbang at pantay sila para sa akin. Walang araw na hindi kami magkakasama. Kulang na nga lang ay magkakatabi na kaming matulog. Nalimutan na nga namin ang tungkol sa deal, eh. Isang araw noon ay nagkayayaan kaming pumunta sa beach para mag-outing at heto ang nangyari.

“Gen, alam mo, matagal ko na talagang gustong sabihin ito sa iyo, kaya lang hindi talaga ako makahugot ng lakas ng loob. Gen, mahal na mahal kita. Simula palang kasi nang una kitang makita sa school, sabi ko ikaw na nga ang babaeng hinahanap ko. Iba ka kasi sa lahat ng mga nakilala ko. Totoo ka sa iyong sarili at alam mo ba kung ano ang lalong nagustuhan ko sa iyo? Ang pagiging boyish mo at saka nakakatuwa ka kasing inisin kasi lalo kang gumaganda.” Sinasambit ito ni Reyven habang nakatitig sa aking mga mata. Hawak-hawak niya ang aking kamay habang itinatapat niya ito sa kanyang dibdib.

“Ano ka ba, huwag ka na ngang magdrama diyan. Hindi naman bagay sa iyo eh. Halika maligo na lang tayo, samahan na lamang natin si Paul. At saka wala akong balak magkaboyfriend ano.” Binalewala ko kunwari ang kanyang sinabi, pero ang totoo grabe na talaga ang kalabog ng aking dibdib.

“Teka lang Gen, hindi naman ako nagbibiro ah, totoo ang lahat ng mga sinabi ko sa iyo. Kahit na wala pa ang deal talagang mahal na mahal kita. Please ako na lang ang piliin mo. Maawa ka naman sa akin, gusto mo lumuhod pa ako sa harapan mo ngayon. Please naman,” pamimilit pa rin ni Reyven. Hindi namin alam na tanaw na tanaw pala kami ni Paul mula sa dagat.

Tumakbo akong papalayo para maiwasan ko si Reyven. Sa katatakbo ko ay hindi ko namalayan na nadapa na ako at muli’y may nanumbalik sa aking alaala noong unang nadapa ako sa basketball court, parang naulit muli. Si Paul pa rin kasi ang nadaganan ko. Masuyo niya akong tinititigan, parang may gusto siyang sabihin. Napapaiyak na ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ang mga tingin niya ay parang nanunuot sa aking buto.

“Gen, I Love you with all my heart and my soul. Alam ko nahihirapan kang mamimili sa aming dalawa ni Reyven. Iginagalang ko ang iyong desisyon, kung ano man

iyon, ok lang sa akin. Pero ang masasabi ko lang, hindi ko kayang mabuhay kung mawawala ka rin lang sa akin.” Sa wakas ay nasambit ni Paul sa akin. Umiiyak na rin siya.

“Ayoko na,pagod na pagod na ako, pwede bang pabayaan na ninyo akong dalawa. Marami pang ibang babae diyan, hindi lang ako nag-iisa sa mundo.”

“Gen, mahal na mahal ka namin. Alam kong mahirap pero kailangan mo na talagang magdesisyon.” Ssbi ni Paul.

Naguguluhan na ako nang mga panahong iyon kaya gumawa nalang uli kami ng deal. Sabagay, gusto ko na ring makalabas sa problemang ito. Alam kong nakakatakot pero kailangang matapos na.

“Ok sa Lunes, grand finals ng basketball sa school. Dawalang team ang maglalaban. Kailangang pumili kayo ng tig-iisang team. Kung kaninong team ang mananalo siya rin ang sasagutin ko. Deal?”

Kabadong-kabado ang dalawa sa pagpili ng team. Nakita ko ang tension at tuwa sa kanilang mga mukha. Sa wakas ay matatapos na rin ang matagal na naming problema. Kahit ako, kinakabahan rin sa magiging resulta ng laban. Ngayon ko lang naalala na mahirap palang magmahal at mamili. Sa totoo lang, ayoko talagang may masaktan sa kanilang dalawa, kasi pareho ko silang mahal. Walang may nakakalamang sa isa’t isa. Pero ganyan talaga ang laro, kailangang may talo at panalo.

Kinalunesan,kaming tatlo ay hindi na mapakali. Sinundo rin nila ako sa bahay para sabay kaming makapanood ng laro. Nagpareserve na kami kaagad ng seat sa unahan para makita namin kung sino talaga ang mananalo. Noong araw na iyon ay simple lang napili kong isuot. Naka-shorts lang ako at naka t-shirt nang medyo hapit sa katawan, tapos ay nakapony-tail ang aking buhok. Nang papalabas na kami sa gat tinanong ako ni Paul kung saan daw ba masarap halikan ang isang babae. Nabigla ako at pinamulahan ng mukha. Nataranta ako sa pagsagot ng…

“Sa… sa leeg.” Lalo pa akong pinamulahan ng mukha ng titigan niya ang aking leeg.

“Ah… eh… huwag mo nang pansinin ang sinabi ko. Ang totoo, wala talaga akong alam tungkol dyan, sige aalis na tayo.”

Si Reyven naman ay titig na titig lang sa akin.

Pagdating namin ay kauumpisa lang ang laro. Close fight ang laban kaya unpredictable kung kaninong team ang mananalo. Nariyang lumalamang ang team ni Reyven. Nariyan namang ang kay Paul ang nangunguna. At heto na nga, dumating na ang aming pinakahihintay, ang final round ng laro. Halos, ayoko nang manood habang ang dalawa ay tahimik lang sa pagbabantay ng resulta. Last shot panalo ang team ni Paul. Hindi ako makapaniwala, akala ko ay may iiyak pero parang iba yata ang nangyari. Nagkayakapan pa ang dalawa. Sa palagay ko ay silang dalawa lang ang may deal at parang silang dalawa na ang magkakatuluyan. Hamakin mo ba namang halos hindi na sila magbitiw sa pagkakayakap sa isa’t-isa. Lahat na nga ng spectators ay sa kanila na napatuon ang atensyon. Ni hindi na nila ako napansin, sa isip ko ang kakapal talaga ng mga mukha, siguro nga lahat ay pustahan lang nila. Napapaluha na talaga ako at patakbo na akong palabas nang may pumigil sa akin. Si Paul.

“Ganyan naman talaga kayong mga lalaki eh, pinaglalaruan nyo lang kami. I hate you!!”

Oooyy, nagseslos ang baby.” Sabi ni Paul

Mayamaya ay biglang sumeryoso ang dalawa.

“May ipagtatapat sana kami sa iyo,” ani Reyven.

“Sige na, sabihin nyo na para hindi na ako umasa pa.”

“Gen, si Reyven ah..eh..ano kasi eh.. Reyven ikaw na nga ang magsabi ng totoo.”

“Ummm, una sa lahat, binabati kita Paul dahil nanalo ka sa laban at ikaw din Gen, Tol iingatan mo si Gen ha.Alam mo, hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ito Gen, pero sasabihin ko na talaga. Good news ito at siguradong ikatutuwa mo.”

Gulong-gulo na ako kung ano ba talaga ang gustong sabihin ng dalawa sa akin.

“Gen, ang totoo alam mo ba kung bakit masayang-masaya kami at walang umiyak sa aming dalawa? Kasi wala kang nasaktan. Ang galing mo kasing mag-isip ng deal. Kasi may deal din kami ni Paul, eh. Sasabihin ko talaga Gen na..na..bakla kasi ako.” Nanlalaki ang aking mga mata at halos hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Reyven. Hindi ko alam kung maiinis o matutuwa ako sa kanya. Napaluha tuloy ako at hindi ko naman maintindihan kung bakit.

Ipinagpatuloy ni Paul ang pagsasalaysay.

“Tama siya Gen, ang deal kasi namin, kailangan ko siyang paranasin na maging isang tunay na lalaki; at ako naman kailangan kong magkaroon ng girlfriend. Ang deal, kapag ako ang pinili ng girl, ibig sabihin ay talagang bakla siya at siyempre sa wakas ay matutupad na ang matagal kong wish na magka-girlfriend.”

Sabay-sabay kaming talong nagkatawanan at mas lalo pa iyong lumakas ng sabihin ko rin sa kanila ang deal ko sa aking sarili.

Ano akala ninyo, hindi happy ending ang love story ko no?

Ngayon, masayang-masaya na kaming tatlo. At alam ba ninyo kung saan ako unang hinalikan ni Paul. Siyempre ang first kiss ko ay hindi sa lips kundi sa leeg. O hindi ba unique ? Kayo, meron ba nito?

Magkakasama pa rin kaming tatlo kaya lang si Reyven ay talagang bumalik na sa pagkabading. Pero masaya na ako kasi at least natapos na ang lahat. At siyempre nagkaroon na ako ng boyfriend na talagang mahal na mahal ako. Kasi tanggap niya kung sino at kung ano ako.